“SALOT SI JDC SA MGA MANGINGISDA NG SUAL AT LABRADOR SA PANGASINAN”

Bukod sa salot sa pambansang ekonomiya si JDC dahil sa diesel smuggling nito sa Pangasinan, kinamumuhian din ito ng mga lokal na mangingisda. Siga sa komunidad ang tawag sa kanya dahil mapera at maimpluwensiya dahil sa
malaking pinagkakakitaang iligal na operasyon. Inaapak-apakan ni JDC ang dignidad ng mga lokal na mangingisda kung saan siya nagpapadaong ng diesel mula sa malaking barkong nasa karagatan malapit sa Lingayen Gulf.

Ayon sa mga biktima ni JDC, bukod sa tinatakot niya sila dahil sa impluwensiya niya sa mga otoridad dahil sa backer
nitong mataas na katungkulan sa pamahalaan nangangasiwa sa kapulisan, tahasan pang nakakapaminsala ito sa mga pangisdang bangka. At malamang hindi lang sa mangingisda nakapapaminsla ang operasyon ni JDC, kundi
pati na rin sa kapaligiran dahil baka nagbubuhos din siya ng mga latak ng smuggled diesel sa baybayin.

Tip ng isang maasahang impormanteng dati nang nakulong sa NBP dahil sa malakihang operasyon ng droga sa
bansa, hindi malayong pati droga’y ninenegosyo din ni JDC kasabay ng diesel. Nitong nakaraang linggo’y 83 paketeng shabu na umaabot sa halagang halos kalahating bilyong piso ang naglutangan sa West Philippines Sea sa baybayin ng Ilocos Sur.

Hindi malayong maghinala na nanggaling sa barkong pinagkukunan ni JDC ng diesel sa Pangasinan, ang mga shabu dahil iisang karagatan lang naman ito mula Pangasinan hanggang Ilocos region. Ngayon, mananatili pa bang
makupag ang galaw ang mga otoridad kontra sa operasyon ni JDC? Ang kawalang aksyon ba ng mga law enforcement agencies ay nagpapahiwatig ba kung gaano kalawak ang impluwensiya nung backer ni JDC na mataas na opisyal ng ahensyang nangangasiwa sa kapulisan?

Amianan Balita Ngayon