Salpukan sa Death Penalty, nagsisimula pa lang

LUNGSOD NG BAGUIO – Nag-uumpisa pa lamang ang giyera sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa patuloy na pagpupursige ng mga tumututol dito upang hadlangan ang mababang kapulungan na maipasa ito at ang laban ay hindi pa tapos.
Kahit pa ayon kay Ifugao representative Teodoro Baguilat Jr. na maaaring inaprubahan ang House Bill 4727 sa ikalawang pagbasa noong nakaraang linggo ay maaari pa ring mabago ang isip ng kaniyang mga kasama sa Kamara at bumoto ayon sa kanilang konsensiya, at huwag padadaig sa takot at intimidasyon.
Sinisi ng mga kontra sa death penalty ang ilang mambabatas sa pagpapadali sa pagboto sa kabila ng mga pagtutol.
“I’ve seen high points and low points in the House, but nothing caused me as much shame and sadness as when I saw a good number of my colleagues seemingly celebrating the passage of the death penalty bill. It was painful to see the process cut short and see elected representatives unwilling to study further a law that would have greater impact on the Filipino people than the national budget,” ani Baguilat Jr.
Hindi pa tapos hanggang hindi pa ito tapos, sinabi ni Baguilat habang hinihikayat ang kaniyang kapwa mambabatas na “to take responsibility for whatever action they will take,” “let this be a conscience vote, not one dictated by party lines. But they should state their position clearly so the people may know who passed this sentence on the Filipino people.”
Samantala ay hindi pa naman masasabi ni Kalinga representative Jesse Mangaoang na kabilang sa Nacionalista Party (NP) kung paano siya boboto. ”We will see,” aniya.
Ayon naman kay Abra Congressman Joseph Bernos na kahit tutol ang Simbahang Katoliko sa death penalty ay mukhang matatag ang paninidigan ng Abrenians sa pagpabor sa parusang kamatayan para sa mga drug offenders. ”I am a representative of the Abra people,” ani Bernos, “so I will represent their sentiments.”
Ang Abra ang kauna-unahang probinsiya sa Cordillera na naideklarang drug-free.
Nangako naman si Baguio City representative Marquez Go na boboto siya laban sa pagbabalik ng death penalty matapos ang mga konsultayson sa ilang sektor sa lungsod.
Hindi naman sumasagot si Benguet congressman Ronald Cosalan na nananatiling nasa Liberal Party (LP), sa tanong kung paano siya boboto sa isyu habang ang ibang mambabatas sa Cordillera kabilang si Mt. Province representative Max Dalog at Apayao representative Eleonor Bulut-Begtang ay nananatiling tahimik. ABN

Amianan Balita Ngayon