SALUN-AT WELLNESS FESTIVAL ISINAGAWA SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Ipinagdiwang ang kauna-unahang Salun- at Wellness Festival na ginanap sa Baguio Cultural and
Convention Center noong Sabado, Abril 1. Pinangunahan ito ni Danilo Quinto, ng Blue Zone Wellness and Longevity Movement Inc., pati na rin ang tagapagtatag ng Festival. Ang Salun-at Wellness Festival ay alinsunod sa Resolution 142 series of 2023, na nilagdaan ni Mayor Benjamin
Magalong at ng kanyang mga miyembro ng Sanggunian Panglungsod na idineklara ang Marso 27 hanggang Abril 1 bilang “Wellness and Longevity Week” ng Baguio City.

Sa temang, “Live Healthier, Live Happier, Live Longer,” ang festival ay naglalayong pataasin ang kamalayan sa pagiging lehitimo at bisa ng herbal na gamot pati na rin ang mga tradisyonal na kasanayan na nagtataguyod ng kagalingan at mahabang buhay. Ayon kay DOT-CAR regional director Marie Venus Tan, “Because historically Baguio was built on rejuvenation and wellness.”

Ang mga paksa sa naisagawang workshop ay nakasentro sa mental awareness, pain management,
Philippine herbs as medicine, holistic energy healing, masustansyang plant-based na pagkain, at
simpleng meditation na isinagawa ng mga nangungunang doktor ng pilipinas ng integrative/ holistic medicine. Kabilang sa mga kagalang-galang na tagapagsalita ay ang DOH-PITAHC Director
General Dr. Annabelle Pabiona de Guzman; Dr. Elizabeth Micaller, Dr. Marian Alonzo; Dr. Ferdinand Brawner,;Dr. Soul Riza Shanti Lim; Dr. Celine Barotil; Dr. Susana Balingi at Yoga Coach
Gelie dela Pena Bonnevie.

Binigyang diin ng summit at expo ang paggamit ng mga natural na paraan upang maiwasan ang mga sakit at pagpapanatili ng pisikal, mental at panlipunang kagalingan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tradisyunal at alternatibong mga paraan upang umakma sa regular na medikal
na pagsasanay.

Kate Juri Castañeda-UB Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon