Sampung taon napo ang ating Amianan Balita Ngayon, Salamat po sa pagtangkilik at suporta, Patuloy kaming magbibigay ng mga balita at kasiyahan sa buong amianan na rehiyon!!!

Tapik ni Tonying

Una sa lahat ay nais kong pasalamatan ang Panginoong Diyos Ama na nasa Langit, si Mama Lourdes na aming gabay at Ina ng Awa na hindi man personal na aming nakikitang tumutulong subalit alam ko na nariyan sila para sa aming layunin.

Pangalawa ay nais kong pasalamatan ang aking pamilya, ang aking maybahay na si Mary Grace na walang sawang umaalalay sa akin at sa buong staff ng Amianan Balita Ngayon, ang aking mga anak na sina Mica na siyang namamahala sa Online News ng Amianan Balita Ngayon, Si Mark Joseph na siyang tumutulong sa circulation at ang aking bunso na si Marietonie.

Siyempre ang Team Amianan na sina Lito Camero ang News Editor/Cartoonist, Zaldy Comanda ang Tagalog Editor, Primo Agatep
ang Senior Reporter, Art Dumlao Sr. Correspondent, sina Aj Salvador ang aming Editorial Assistant, Sheryl Penarejo Account Executive, si Carlos Meneses Account Executive/Contributing Photographer, at sa mga kasamahan na naging bahagi ng Amianan Balita Ngayon na sumalangit na sa piling ng Panginoong Ama.

Nagpapasalamat din ako sa aming mga Columnists na sina Brix Domondon, (Sideglance), Jimmy “Lolo Doro” Luzano (Daplis Walang Mintis ), Zaldy Comanda Puntirya), Art Dumlao (Go North), Ara “Ikit ng Bayan” Catter, Lovien “Lakay Gusting” Aquino at sa buong section ang aming Legal Counsel na sina Atty. Larry Llanes, Atty. Modesto Andong, Atty. Oscar Corpuz Jr. at Atty .Edgar Avila.

Wala ring pagsidlan ang aking pasasalamat sa aming mga advertisers, readers, subscribers maging sa private na mga companies at sa mga local government units na patuloy na tumatangkilik sa aming regional weekly newspaper na Amianan Balita Ngayon. Kung wala po kayo mahihirapan ang ating dyaryo na abutin ang ika-10 taon sa larangan ng newspaper industry.

Hindi naging madali ang landas na tinahak ng Amianan Balita Ngayon na nagsimulang ilabas ang unang isyu noong Setyembre 4, 2011 na kung saan ay nagpasalamat kami dahil sa unang bugso ay maraming mga kaibigan na tumulong upang mapatakbo ang unang isyu sa mga ibat-ibang newstands sa Lunsod ng Baguio.

Maraming nagulat sa paglabas ng ABN, marami rin ang humusga na hindi aabutin ng taon at magsasara ang ating dyaryo, ang masakit pa niyan ay maging ang mga kaibigan ko sa Media Community ay tinaningan nila ng tatlong buwan lamang ang itatagal ng ABN. Ang mga salitang aking narinig mula sa mga kaibigan at mga kakilala na humusga ay siyang nagsilbing inspirasyon sa akin, sa aking pamilya at sa mga staff ng ABN na ipursige ang takbo ng ABN.

Subalit kung marami ang humusga, mas marami naman ang tumulong at naniwala sa nilalaman ng ABN na hindi lang puro pagtuligsa kundi ang paghubog ng “community journalism” .

Minabuti naming gamitin ang tatlong dayalekto na umiiral sa buong Amianan na rehiyon ang Tagalog, English at Iloco na alam naming
magbibigay ng mas malinaw, maliwanag at mas mauunawaan ng mga mambabasa o ng mga readers.

Pinaghalong Taglish ang ibang news article upang maipakita sa mga mambabasa ang mensahe ng isang news article.

Sa ngayon ay nasa isang dekada na tayo sa pagbibigay ng magagandang balita at entertainment, pagbibigay ng mga kwento at larawan sa ating Community page upang bigyan ng espasyo ang mga kaganapan sa isang komyunidad, Company at indibidwal na kaayaayang malaman ng buong komyunidad.

Sa ngayon ay patukoy kaming magsusulat ng mga balita na kumakatawan sa ating lipunan maging ito ay hinggil sa mga negosyo, pangkalusugan, trabaho at pulitika, ang lahat ng ito ay magaganap sa tulong at pagtangkilik ng ating komyunidad at ng mga indibidwal, mga pribadong kompanya at ng mga local government units.

Nagpapasalamat po kami sa aming mga kaibigang mga news readers, newstand vendors na patuloy na sumusuporta sa Amianan Balita Ngayon na sa kabila ng hinaharap nating pandemya ay nariyan kayo na walang sawang sumusuporta sa layunin ng ating dyaryo…