Samut-saring pananaw sa pagbubukas ng turismo sa Baguio

Tapik ni Tonying

Hindi maikakaila sa mga kaisipan ng mga residente sa Baguio na mayroon pa rin silang pangamba at alinlangan sa banta ng Covid-19 sa pagbubukas ng turismo sa lungsod ng Baguio sa darating na Setyembre 21, 2020.

Ang iba medyo nagagalit sa lokal na pamahalaan dahil bakit daw ibubukas ang turismo sa lungsod na ang ibig sabihin ay maaring dagsain ang lungsod ng mga turista na maaring magdala ng virus na siyang muling maging sanhi ng katakot-takot na “lockdown” na nagging sanhi upang huminto ang mga Negosyo at hanapbuhay ng mga tao hindi lang sa ating bansa maging sa ibat-ibang panig ng mundo.

Ang iba naman ay oportunidad na raw ang makapasok ang turista o magkaroon na ng byahe papasok at palabas ng Baguio. Ngunit ka pekto at ka Pabling hindi ganun ang sitwasyon dahil sa memorandum of agreement sa pagitan ng Baguio City at ng Ilocos Region tanging mga taga Ilocos Region lamang ang maaring umakyat sa Baguio at ang mga taga Baguio naman ay maaring mamasyal sa Ilocos Region ayon sa pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na inayunan naman ng mga local na opisyal ng Baguio City at ng Ilocos Region.

Sa Kabilang banda ang nakikita ko sa naganap na agreement ay may kinalaman sa muling pagsigla ng turismo, pagbubukas ng mga tourism industry sa lunsod ng Baguio at sa Region 1.

Ang tanong dyan ka Pabling ay paano makaka akyat ang pamilya ni Biday at Lamang sa lungsod, ganito yun hahanap siya ng travel agency na maaaring galing sa point of origin or mula sa lungsod ng Baguio pagpapa book si Biday at may mga packages yan ang balita ko ay may P25,000 or P30,000 na good for family in three days yan ay sa mga hotel. Ganun din kapag ang pamilya ni Igor ay pupunta sa mga beach resorts sa Ilocos Regions kung baka vice versa ang proseso.

At ang matindi pa niyan ay may requirements pa na gaya ng travel permit at medical certificate pa at pag dumating ka sa Baguio City dadalhin ka sa triage upang idobol check kung wala kang dalang virus, ang sistema niyan ka Pekto paano kung nag-positive ka? Siyempre mag quarantine ka ngayon ay dadaan ka sa gamutan lintsak na buhay yan di ba?

Kaya matindi pa rin ang mga requirements ng health protocol kung sabagay yan ay health concern yan sab inga ni Romy Gonzales ng DZRH huwag mo ng isugal ang buhay ng pamilya mo makapamasyal ka lang, Tama nga naman aba e manahimik ka na muna sainyo habang wala pang tamang gamut sa virus na yan.

Ang ibang taga Baguio naman ay gusto nilang mabuksan na ang turismo ika nga nung isang kausap ko e “palakasan na lang ng immune system” at “tour at your own risk”.

Ang sa akin lang naman ay okay lang na mabuksan ng untiunti ang turismo sa lungsod at mga Negosyo upang magkaroon ng sigla ang ating ekonomiya hindi naman kasi kailangan na I shut down ang mga hanapbuhay at trabaho kailangan lang ay mag -ingat, magsuot ng face mask, maging malinis sa katawan at kapaligiran o yung tinatawag na work place.

Nabigyan na tayo ng anim na buwan kung paano magiingat sa Covid-19 kaya sa tingin ko ay unti-unti nang buksan ang mga negosyo at trabaho.

Sabi ko nga sa mga old timers na mga kasama na nagkakape sa Volante kasi naman ang tambayan nilang Swiss Baker ay wala na silang maupuan dahil binago na ang ayos nito kaya sa Volante nag titipon – tipon ang old timers ng Baguio na naghahanap umano ng malaking buwis ang gobyerno samantalang wala naming hanapbuhay ang mga tao at mga Negosyong malalaji ay nagsara na paano pa makakalikom ng buwis ang gobyerno di ba?

Halos nasa mahigit na 1 trillion na ang utang ng gobyerno mula sa ibang bansa nakow pow kasama na ang apo ko sa magbabayad ng buwis na ito.

But anyway, mga kababayan idalangin na lang natin sa Ama sa Kalangitan na humina na ang bagsik ng Covid-19 sa mga darating na buwan at sa taong 2021 upang muling sumigla ang buhay ng tao.

Nais kong idulog ito kay Vice-Mayor Faustino Olowan na sa tingin ko ay makakatulong sa mga residente ng Shangrilla Village Homeowners Association sa pamumuno ni President Allan Sacla na humiling na kung maaari ay ayusin ng local na pamahalaan ang bakod ng Baguio Cemetery na diumano ay sira-sira na at pinagtatapunan pa ng mga sirang kabaong at mga buto ng tao ang kabilang bakod ng nasabing village.

At sana sa pamamagitan ng panawagang ito sa kolum ng inyong lingkod ay mabigyan ng aksyon ang problema ng mga residente ng Shangrilla na may halos 300 to 500 na residente na naninirahan.

Nais ko rin magpasalamat kay Mr. William Garado, radio host ng Cool 97.5 FM sa kanyang program na Idulog kay Vice-Mayor Olowan sa kanyang pag-imbita sa inyong lingkod na kung saan ay tinalakay naming ang buhay nga mga dyarista sa gitna ng Pandemic….