SANDIGAN AT KAAGAPAY

JUST IN
Kasabay ng pagbuhos ng ulan noong Agosto 24, 2020 ay ang pagbuhos ng tulong ng Provincial Government of La Union (PGLU) sa Munisipalidad ng Burgos dulot ng pagdeklara ng lockdown sa ilan sa mga barangay nito dahil sa mga kaso ng CoViD-19.
Bilang maaasahang kaagapay, nagbigay ng 639 na food packs at hygiene kits ang PGLU bilang tulong sa mga apektado ng lockdown. Ipinapatupad ang lockdown upang mapabilis ang contact tracing sa pamamagitan ng pagbawas ng paggalaw ng mga tao sa lugar.
Patuloy na ginagampanan ng PGLU ang pagiging sandigan ng mga Local Government Units ng La Union upang sama sama nating malampasan ang pagsubok na CoViD-19. Kung lahat tayo ay magtutulungan, ating makakamit ang #StrongerLaUnion.
Photos by Jefferson Lorenzo, PIO