Sapat ang suplay ng bigas sa Pangasinan – OPAg

LINGAYEN, PANGASINAN – Siniguro ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) na may sapat na suplay ng bigas sa Pangasinan kahit na ilang lugar ng bansa ay nakakaranas ng kakulangan ng pangunahing butil na pagkain.
Sinabi ni Provincial Assistant Agriculturist Nestor Batalla noong Miyerkules na sobra-sobra ang nakaimbak na bigas sa probinsiya dahil sa implementasyon ng Rice Road Map para sa 2017 hanggang 2022, isang plano ng panlalawigan na inaabot ng Department of Agriculture upang mapigilan ang kakulangan sa bigas.
Una dito ay iniulat ni Batalla sa Sangguniang Panlalawigan (SP) na tumaas ang ani ng Pangasinan noong nakaraang taon ng 207.96 porsiyento (na walang binabanggit na numero), lagpas sa target production noong 2016.
Dagdag pa niya na ang 107.96 porsiyento na ani ng probinsiya ay pumunta sa La Union, Tarlac at iba pang probinsiya na may kakulangan sa bigas.
Sa kabila ng pag-atake ng rice black bug sa rice-producing eastern Pangasinan sa huling bahagi ng nakaraang taong ani ay nanatili ang probinsiya bilang pinakamalaking rice producer sa region 1, at ikatlo sa buong bansa na sumusunod sa Isabela at Nueva Ecija.
Sinabi rin ni Batalla na habang tumaas ang presyo ang presyo ng palay ay nananatili.
Dagadag pa niya na ang Pangasinan Irrigators Federation sa pamumuno ni Ernesto Pamuceno ay nagpetisyon sa DA na aprubahan ang pagtaas ng buying price ng palay.
Sinabi ni Pamuceno na isang retiradong provincial director ng Department of Agrarian Reform na ang kasalukuyang presyo ay masyadong mababa at hindi makaka-recover ang mga magsasaka sa kanilang gastusin gaya ng labor, seeds at fertilizers. ABN

Amianan Balita Ngayon