PUGO, La Union
Nagsagawa ng mapayapang rally sa tanggapan ng munisipyo ng Commission on Elections, ang mga grupo ng Save Pugo Movement, noong Agosto 19, kaugnay sa napaulat na pagtaas ng bilang ng mga botante mula sa ibang lugar na
pagrehistro sa bayan ng Pugo, La Union. Makikita sa datos na inilabas ng non-government group na Save Pugo Movement na mula Pebrero 12 hanggang Agosto 15 ngayong taon, nasa 2, 487 indibidwal ang nag-apply para sa paglipat ng voter’s registration, kung saan 1, 386 ang inaprubahan ng lokal na Comelec.
Ipinapakita ng datos na 250 indibidwal sa 625 na aplikante ang naglipat ng kanilang voter’s registration mula Pebrero 12 hanggang Marso 30; 427 sa 858 na aplikante mula Abril 1 hanggang Hunyo 30; at 709 sa 1, 004 mula
Hulyo 1 hanggang Agosto 15. Inilipat ng mga indibidwal na ito ang kanilang rehistrasyon sa 13 sa 14 na barangay ng
Pugo, na isang fifth-class municipality na may 12, 786 na rehistradong botante noong 2022.
Sinasabi ng maraming source na marami sa mga indibidwal na nag-aaplay para sa paglipat ng rehistrasyon ng mga botante ay hindi man lang alam ang mga pangalan ng kanilang dapat na punong barangay o kagawad. Nag-post din ang isang agarang apela sa social media na humihimok sa mga kinauukulang tanggapan na aksyunan ang umano’y talamak na illegal voters’ registration sa Pugo at kalapit na bayan ng Agoo, sa lalawigan din na ito. “Napag-alaman na may mga seryosong alegasyon ng illegal voter registrations na kinasasangkutan ng maraming flying voters na hindi orihinal na taga-Pugo at Agoo, La Union.
Isa itong mabigat na isyu na sumisira sa integridad ng ating proseso ng elektoral at nag-aalis ng karapatan sa mga
lehitimong botante,” ang sabi ng pahayag na naka-post sa Pugo Sumbungan Forum. Hinikayat din ng pahayag
ang Comelec at ang mga halal na opisyal na managot sa agarang pagtugon sa naturang usapin. “Mahalaga na
imbestigahan nila ang mag claim na ito nang lubusan at gumawa ng agarang aksyon upang maiwasan ang karagdagang pandaraya sa elektoral,” dagdag ng pahayag.
Umapela din ang pahayag sa publiko na tumutulong sa pagtugon sa alalahanin sa pamamagitan ng pag-uulat sa
mga kinauukulang tanggapan at awtoridad ng anumang ebidensya na may kaugnayan sa umano’y ilegal na aktibidad, o magsampa ng pormal na reklamo sa Comelec.
Zaldy Comanda/ABN
August 24, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024