Security Guard, aksidenteng nabaril ang hita

LA TRINIDAD, BENGUET – Aksidenteng nabaril ang kaliwang hita ng isang security guard nang pumutok ang kanyang nahulog na baril noong ika-5 ng Pebrero, 2018, 11:30pm sa Lubas, La Trinidad, Benguet.
Ayon sa biktimang si Lucio Tanacio Aguindang, 58 anyos, taga-Pugucas, Benguet, matapos niyang mag-inspeksyon sa compound ng Lubas National High School ay inayos niya ang kanyang lamesa nang mahulog ang kanyang baril  na P. Beretta cal. 380 pistol at pumutok na tumama ang bala sa kanyang kaliwang hita.
Tumawag siya ng tulong at agad namang rumesponde ang kanyang mga kasamahan at dinala ang biktima sa Benguet General Hospital. Itinurn-over agad ng biktima ang kanyang baril sa kapulisan. KRISTINE MAE L. PASYAN, UB Intern

Amianan Balita Ngayon