Sekyu aksidenteng nabaril ang lalaking dumadaan

Aksidenteng nabaril ng isang security guard ang lalaking dumadaan bandang 2:45pm ng Nobyembre 20, 2018 sa USSC Western Union, Bonifacio Street, Baguio City.
Kinilala ang security guard na si Joseph Galicia Tagura, 27anyos at residente ng Lower Cypress, Baguio City. Samantalang ang biktima ay nakilalang si Sol Pangket, 20anyos, estudyante at residente ng Kias, Baguio City.
Sa imbestigasyon, nakatalaga si Tagura sa nasabing lugar bilang security guard, nang siya’y paupo na si monoblock, ang kaniyang cal .38 revolver, SN PRO3091212, shooter’s arm brand ay nahulog sa kaniyang maluwang na gun holster. Dahil sa impact nang tumama sa lupa, pumutok ang armas at bahagyang natamaan ang kanang binti ni Pangket na dumaan.
Narinig ni Vicente Mahusay, security guard na nakatalaga malapit sa lugar, ang putok kung kaya tumawag ito ng police assistance at dinala si Tagura sa Police Station 7, habang ang biktima ay dinala sa Baguio General Hospital Medical Center para malunasan.
Sinabi ng biktima na hindi siya interesadong magpila ng criminal case laban kay Tagura dahil sa humanitarian reason, kung ang kaniyang Security Agency ang papasan sa kaniyang medical expenses.
Ang kaso ay ini-refer kay Duty Inquest Prosecutor Atty. Mark Jeff Balangitan, na pinayuhan si Tagura na alisin sa kaniyang police custody kabilang ang armas yamang mayroon itong legal documents at tumangging magpila ng criminal case ang biktima.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon