Sen. Pres. Sotto pasok sa VP ayon sa Pulse Asia Survey

Nangunguna ang pangalan ni Senate President Tito Sotto sa pagka-Bise Presidente sa darating na halalan sa 2022 ito ay ayon sa huling inilabas na survey ng Pulse Asia noong buwan ng Marso ng taong ito na kung saan ginanap ang naturang survey sa mga nagnanais na tumakabo sa pagka Bise Presidente.
Sa mga balita sa national ang mga lumutan na pangalan ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Davao City Mayor Sara Duterte -Carpio at Senador Manny Pacquiao sa pagka Pangulo subalit kung susuriin ayon sa survey malayo ang karanasan ni Sen. Sotto kung ikumpara sa mga ito, subalit ang nais ng Senate President ay magsilbi bilang ikalawang Pangulo ng Pilipinas.
Sa kanyang paninilbihan bilang public service ay umabot na rin ng 25 na taon mula ng siya ay maunang maupon bilang Vice-Mayor ng Quezon City hanggang sa mahalal na senador at ngayon siya ang naluklok bilang Senate President dahil na rin sa tiwala ng kanyang mga kasamahang Senador.
Ilan lamang sa kanyang mga accomplishment ay ang paggamit ng emergency contraceptive sa Reproductive Health na kung saan ay umani siya ng batikos mula sa ibat-ibang relihiyon na tumututol sa nasabing bill.
Si Sotto rin ang may akda ng pagsasabatas ng Philippine drug Enforcement Agency o PDEA na nasa ilalim ng pamumuno ng Pangulo ng bansa. Ang PDEA ang naatasan labanan ang pag supil sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.
Bukod dito, siya rin ang naging daan upang makaboto ang mga Overseas Filipino Workers ng isulong niya ang “absentee voting” law na kung saan lahat ng mga registradong Pilipino na nasa ibang bansa ay maaring bomoto mula sa kanilang bansang pinagtratrabahuan.
At ang pinakamahalagang bill na kanyang isinusulong ay ang Bayanihan 1 at 2 na tumutukoy sa budget ng bans ana magagamit sa gitna ng pandemya. Isa ring ikinatuwa ng mga Pilipino lalo na ang mga estudyanteng nagnanais na makapag-aral mg medisina angMedical Scholarship Act na kung saan ay magbibigay ng full scholar sa mga deserving na medical student nan ais maging doctor subalit hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.
Ani Sotto kailangn ng bansa ng mga doctor at nurse kaya aniya ang bill na ito ay magiging malaking tulong sa mga estudyante at sa bans ana kung saan ay sila ay maninilbihan .
-P.

Amianan Balita Ngayon