Senior’s Citizen Van para sa Benguet, tutugunan ni Yap

LA TRINIDAD, Benguet – Ipinangako ni Benguet Caretaker Eric Yap sa naganap General Assembly of the Federation of Senior ’s Citizen Association of La Trinidad na tutugunan niya ang kahilingan na nagkaroon ng sariling sasakyan o’ service van na magagamit sa anumang okasyon.
Matatandaan, una ng nagdonate si Yap ng Mobile Tulong Van na ginagamit ngayon para sa paghahatid ng may sakit sa ospital, hindi lamang sa sentro, kundi paghatid sa Kidney Center, Heart Center of the Philippines at sa iba pang lugar.
Malaking tulong din ang MTV sa pagsundo sa isang OFW na uuwi na sa probinsya at naghahatid ng mga galing sa ibang probinsya na babalik na dito sa Benguet.
“Ngayon nagkaroon ako ng ideya na kailangan din nating tugunan ang kalagayan ng ating mga senior citizens, na kailangan nila ang Seniors Service Van,kaya kung ako ay papalarin ay pagiipunan ko ito na mabigyan ang 13 munisipyo
ng tig-iisang van para magamit ng senior citizen sa kanikanilang mga activities,” pahayag ni Yap.
Samantala, ipinahayag din ni Yap na patuloy niyang tutugunan ang kahilingan ng mga nagsasaka na farm to market road sa mga remote town ng lalawigan.
Bukod sa 51 kilometer FMR na natapos na mula ng gawin ito noong 2020 at nadagdagan pa ng 9 km, ay asahan pa ang karagdagang 40 kilometer FMR.
“Ang Farm-to-Market Road ay isang matagal ng kahilingan ng ating mga magsasaka mula sa mga remote areas na ating napunahan, kasama na ang maliliit na nagne-negosyo, kaya tinugunan natin ito, para maihatid nila ng maayos ang kanilang produkto sa BAPTC, Trading Post at ang mga dumidiretso sa Maynila,” pahayag pa ni Yap.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon