SESSION ROAD IN BLOOM, MULING BINUKSAN MATAPOS ANG TATLONG TAON

BAGUIO CITY

Muling kinsabikan at dinadagsa ngayon ang pagbabalik ng Session Road in Bloom na nagsimula noong Pebrero 27 at matatapos sa Marso 5. Ang Session road in Bloom ay huling bahagi ng aktibidad ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival sa lungsod.

Naging tradisyunal na ang Session Road in Bloom pagkatapos ng dalawang major events ng Panagbenga Festival, ang grand streetdancing at float parade at dito ay makikita ang iba’ibang klaseng booth ng mga negosyante, na ang iba galling pa sa lowland areas para ibenta ang kani- kanilang kakaibang produkto. May mga entertainmemt at mga pagkaing patok sa masa, na siyang dinadayo ng mga turista sa kanilang pamamasyal sa Summer Capital.

By: Jerico C. Cayabyab

Amianan Balita Ngayon