SHABU, BARIL NAKUMPISKA SA ABRA

BANGUED, Abra

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement AgencyAbra Provincial Office ang
P100,240.00 halaga ng shabu, kasabay ang pagkakarekober ng baril sa isang kilalang drug pusher, amatapos ang search warrant operation na isinagwa sa bahay nito sa Zone 2, Bangued, Abra noong
Nobyembre 24. Kinilala ang dinakip na si Ryan Bergonia, 25 at residente ng nasabing lugar, Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge German Ballesteros III , ng Branch 1, Regional Trial
Couert,Bangued,Abra, ay nagsagawa ng pagsalakay ang mga tauhan ng PDEA sa bahay ng suspek.

Nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 5 gramo ng shabu;504 gramo ng dried marijuana, mga drug paraphernalia, isang Cal. 22 revolver na baril, at iba’t ibang mga bala. Kakasuhan si Bergonia ng mga paglabag sa Republic Act 9165 o kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 10591, ang Comprehensive Firearms and Ammunition Law.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon