SIBUYAS… BIDANG-BIDA PA RIN!!!

Aminin man o hindi…sa lahat ng mga kontrobersiya sa panahong ito sa ating bansa…bidang-bida ang SIBUYAS. Di nga ba’t hanggang sa Senado o Kongreso…usap-usapan ito? Kung ano-ano ang ikinakabit kay sibuyas. Ala-ala ko pa ang say ng aking lolo: (grabe kasi ang pagka-sibuyas (lasona)
king niya, eh) gaano man ang amoy “panghi” nito at amoy “anghit”, masarap talaga. Sa mga lutuing Asyano…matindi ang paggamit sa sibuyas.

Sabi nga ng mga mahilig…nakaka- L daw ito. Sa Ilokandia, sabi nila: “pagpa-erteng”. Hay sibuyas…nakakagigil ka. “Wrong timing” daw ang pag-angkat natin ng sibuyas, ani Sen. Cynthia Villar. Tonetoneladang sibuyas, pula at puti o dilaw, dumating. E bakit Wrong timing? Eh, kasi, anihan
na ngayun, tapos bagsakan mo pa ng sandamukal na imported na sibuyas? Natural, kung mas
murang malayo ang presyo ng imported na sibuyas, luginglugi ang ating mga magsasaka o magsisibuyas, di ba?

Pero, teka lang, pards…dumating na ang imported na sibuyas….nagmura na ba ang presyo sa merkado? HINDI PA! Ang target daw ay maibaba ang presyo ng sibuyas hanggang singkuwenta pesos kada kilo. Abot pa rin sa mahigit P200.00 kada kilo. Baka panaginip lang yan, sabi ng marami. Mag”Lasona” na lang tayo. Sabi ng mga eksperto…marami tayong mabibigat na problema sa ngayon. Bakit kaya sumasabay si sibuyas? Nariyan ang kontrobersiya sa West Phil. Sea.

Di talaga paawat ang China dahil kamakailan lang, nagtaboy na naman sila ng ating mga mangingisda sa sarili nating teritoryo. Kaya balik-usap ulit sina Pangulong Bongbong at Pres. Jinping. May ulat na magpapadala na rin ang Pilipinas ng mas maraming barko roon. Sus maryusep! At ito pa ang plano: magsasagawa daw ang US at Pilipinas ng Joint Military Exercise sa WPS. Di kaya kakasa ang China?

Talagang susmaryusep, pards! Sabi nga ng mga sutil: sana magbatuhan na lang sila ng sibuyas. Dagdag pa ng mga matatabil ang dila: palakihan na lang tayo ng sibuyas, pwe! Hanggang sa Switzerland kung saan kamakailan ay nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos Jr…umabot
pa ang tanong sa kanya kung kailan daw siya magtatalaga ng permanenteng Sekretaryo ng DA. Iisa lang ang naging tugon ng pangulo: kapag tapos na at plantsado na ang mga salasalabat na mga problema sa naturang ahensiya…doon na siya magtatalaga ng kanyang kapalit bilang sekretaryo.

Sabi ng marami…kaya pala ginusto niyang pamunuan ang ahensiyang ito dahil talagang talamak ang mga nagaganap na illegal. Mula sa produksiyon, bentahan, puslitan at presyohan ng mga produktong pangagrikultura… problema pa rin hanggang ngayon. Yan ang gustong walisin muna ng administrasyon. Sa tanong kung ang itatalaga ng pangulo ay mula sa mga reteradong opisyal ng AFP o PNP…..dapat daw ay isang taong maalam sa agrikultura. Bakit daw siya laging lumalabas ng bansa eh, magastos pa mandin?

Kinakailangan, ika niya upang ipabatid sa mundo na may bansang Pilipinas at maganyak ang mga negosyanteng mamuhunan sa atin. Kahit daw magastos ang proseso pero sulit naman para sa ating pag-unlad. Ang pagbaba ba ng presyo ng sibuyas Tanong: hanggang kailan kaya bibida ang isyung sibuyas? Humupa na ang hagupit ni Covid-19 kahit may pangamba ang WHO dahil sa Covid-19 sa
buong mundo. Si sibuyas naman ang nagpakilala. Nais lagpasan ang takot na nilikha ni Covid. Sana lahat ng mga nasa likud ng kartel at mga nagmamanipula ay masakote at maparusahan na. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon