HINDI sa minamaliit natin ang mga isyu pang lungsod, ngunit dapat lamang na pag-ibayuhin ang naipahayag na mga publikong consultasyon lalo na kung may parang buwis na ipapataw. Sa aking pinanggagalingan, tila yata hindi gaano ang unawaan ang katwiran ng isang panukala na dagliang binabatikos sa mga social media. Anuman ang nasa
motibo ng mga sumusulong sa panukalang patawan ang pag gamit ng mga kalsada sa Central Business District, kailangan pang pag-ibayuhin ang mga pag-uusap upang maunawaan ang panukala.
Ito na nga ang pahayag ng mga punong abala: pag-usapan pa ang mungkahi na magpataw ng tinatawag na congestion fee kung gagamit ang motorist ng anumang kalsada sa loob ng business district. Multa ba o abuloy ang nasabing panukala na papatawan ang mga road users ng halagang P250, upang payagan silang makapasok sa zonang sinasabi. Congestion fee ang bansag. Ibig sabihin, gusto mong makisalamuha sa sikip ng trapiko, ibig mong maging sanhi ng kabigatan upang mabagtas ang mga kalsada sa loob nito, magbayad ka ng kaukulang perwisyo gawa
ng iyong pagnanais na magamit ang mga pangunahing daan sa loob ng zonang CBD.
Idaan ang pag-uusap sa ilalim ng malawakang pag uusap na isang damdam9in ang mapipisil at mananaig. Makabubuti ba na sa layuning maibsan ang bigat ng trapik sa nasabing zona, ay singilin ang motorist ng sinasabing
bayarin? Maiibsan ba ang bigat ng daloy ng trapik kung mayroong ipapataw na multa o abuloy man? Sinabi nga ng ating Ama ng Lungsod, ang alintuntuning ito ay panukala pa lamang at hindi pa solusyon sa mga mabigat na pasanin ng bayan. Oo nga naman, ang alituntunin ay mungkahi pa lamang at ngayon nga ay idinadaan sa sigla ng konsultasyon. Sa paliwanag ni Mayor Benjie, kung anuman ang kalalabasan ng konsultasyon, ito ay dadalhin naman sa iba pang proseso ng pag-uusap at talakayan upang ang saloobin ng sambayanan ay maipahayag ng buong kusa at laya.
Saka pa lamang iaangat sa iba pang pamamaraan ng pag gawa ng polisiya na siyang magiging kabuuan ng isang
natatanging programa. Samakatwid, mahaba pa ang prosesong daraanan. Kahit manawari, ay magkaroon ng
pag-uunawa na balansehin ang interest ng sector ng transpotasyon sa higit na malawakang mga sector na gumagamit n gating mga pangunahing kalsada. Ang ganito bang pagpataw ng babayaran ng motorist ay isang paraan ng pagbubuwis? Kung ganoon, hindi ba dapat idaan ito sa proseso ng pag-aaral bilang karagdagang buwis. At dagdag
pa nga, ihatid sa Konseho ng mga mambabatas ang usapin upang maging polisiyang maipapatupad, isang
pamamaraan ng pag-galang sa mga naatasang buymalangkas ng mga solusyon sa mga suliraning pambayan.
Hindi maitatatwa na ito na ang panahon upang maiangat ang Baguio sa hanay ng mga binabansagang smart at
susatainable livable city sa buong mundo. Kung hindi ngayon, kalian pa? Kung hindi tayo, sino pa? Kung ito ay kwentong pam-Baguio, dapat lamang na makibahagi tayo sa gaganaping konsultasyon. Iparinig an gating tinig. Ramdamin natin ang makabayang damdamin ng mamamayang malayang bumabalangkas ng mga pag angat upang ang lungsod ay palagiang tumutugon sa hamon ng panahon.
June 22, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
September 29, 2024