SINEMUSIKAIN 2023, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Matagumpay na nailunsad ang SineMusiKain sa Melvin Jones Grandstand, Burnham Park,Baguio City, ngayong taon. Hatid ng Cinema Rehiyon at bilang selebrasyon ng ikatlong taon ng Montañosa
Film Festival (MFF) 2023 ay isinagawa muli ang SineMusiKain Food and Crafts Fair nitong Marso.
Nakihalok ang mga artist and artisan na kung saan ibinida nila ang kanilang talento sa musika, crafts at paggawa ng pelikula.

Nakita rito ang 19 na food stalls, 5 food trucks, 20 stalls ng craft at mga nagtitinda ng halaman. Iba’t ibang pelikula gawa ng mga talentadong director galing Cultural Center of the Philippines (CCP) ang pinalabas sa Melvin Jones Grandstand. Naging atraksyon din sa event na ito ang mga vintage volkswagen ng Baguio Volkswagen club (BVWC) kung saan maaring sumakay sa loob ng mga nasabing sasakyan upang mapanood ng mga pelikula.

Pahayag ni Khristle Rigos, isang estudyante na galing San Mateo, Rizal, “ngayon ko lang po ‘to naranasan, na manuod ng palabas sa outdoor at libre pa. Ang gandang experience at nakaka-engganyo lalo na sa amin na turista.”

Keith Anne Sajor – UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon