Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Ramon “Monmon” Guico III, makabuluhan ang mga tagumpay sa larangan ng
pagpapahalaga sa pagpapaunlad sa sariling industriya at lokal na kasaysayan. Napasigla muli ang industriya ng asin sa pamamagitan ng Pangasinan Salt Center sa Zaragoza, Bolinao at pagbabaka sa Laoac Dairy Farm at pagkatatag ng
Banaan Pangasinan Provincial Museum.
Sa unang buwan pa lamang ng pamumuno ni Guico III noong 2022, katuwang ang buong pamunuang panlalawigan, naplano na ang pagtatayo ng pangalawang pinakamalaking gawaan ng asin sa Pilipinas sa Bolinao na nakagawa ng 6,143.91 metriko-tonelada ng solar salt mula Enero-Mayo at 150 metriko-toneladang rock salt mula Mayo-Hunyo, ngayong taon.
Sumigla muli ang Pangasinan Laoac Dairy Farm, na may 286 nang gatasang baka at kalabaw mula sa 107 heads
lamang. Karamihan ditoy 199 dairy carabaos at 87 dairy cattle na nakakagawa na ng 80-85 litrong gatas araw-araw. Mula lamang noong Enero-Hunyo, kumita ang Pangasinan Laoac Dairy Farm ng P1,799,105.00. Sa kauna-unanhang
pagkakataon, pinapatakbo na ng pamahalaang probinsya ang sarili nitong museo na Banaan Pangasinan Provincial Museum bilang pagpapahalaga sa mayamang kultura at sining.
Nakalagak ang museo sa makasaysayang Casa Real sa Lingayen na nagsisilbing repositoryo ng mga memorabilia
ng mayamang kasaysayan ng lalawigan. Napaulad din ang Capitol Complex sa Lingayen, sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga sa pinakamahusay na urban planners sa bansa, na may hangaring maging ‘destination of choice’ ng mga Pagasinense, lokal o dayuhang turista at mga bisita dahil mayroon itong reflecting pool, interactive fountain.
Sa larangan ng pagpapahalaga sa kapaligiran, kahanga-hanga ang inilunsad noong 2023 na Green Canopy Project, kung saan mahigit 300,000 native at fruit-bearing trees na ang naitanim sa pamamagitan ng partisipasyon mismo ng mga Pangasinense. Nakamit ang mga naturan sa ilalim lamang ng 30 buwang panunungkulan ni Gov. Guico III, bagay na nais pang mapalago para sa kapakanan ng 3.3 milyong Pangasinense.
October 19, 2024
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 10, 2025
February 10, 2025