SMC NAGDONATE NG SCHOOL MATERIALS SA DepEd BAGUIO

BAGUIO CITY

Pinangunahan nina San Miguel Corporation special projects manager Atty. Micaela Rosales at Mayor Benjamin Magalong ang turnover ng 140 upuan, 5 teachers table at 242 gallons ng pintura sa Department of Education Schools Division Office sa Baguio City, noong Setyembre 3. Ang mga kagamitan ang masayang tinanggap ng mga guro,kasabay ang kanilang pasasalamat sa SMC na patuloy na naghahandog sa mga pangangailangan, hindi lamang sa mga paaralan, kundi maging sa mga institution sa buong bansa.

Ayon kay Rosales, hindi niya alam na 67 ang kabuuang paaralan ang sakop ng DepEd Division Office, kaya kakaunti lamang ang kanilang dalang materyales. “Hindi bale, mayroon itong batch 2, kasi may nabili kaming private college schools na nagsara sa may Bulacan at itong mga armchair at iba pang tables ay galing doon at marami pang kagamitan doon na pwede nating ibigay sa inyo at mapakinabangan sa bawat paaralan dito,” pahayag ni Rosales. Ang SMC ay kilalang malaking kumpanya na gumagawa ng mga proyekto para sa kapakipakinabang ng Pilipinas. Isa rin sa kanilang programa ay ang community service sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangangailangan sa bawat institutions, kabilang na sa mga paaralan,hanggang sa agrikultura.

Zaldy Comanda/ABN 

VETERAN LIVING

Amianan Balita Ngayon