Tatlo hanggang apat na beses bawat linggo kung iligal na magpadaong si “JDC” ng diesel mula sa malalaking barko sa karagatan ng Lingayen Gulf sa baybaying parte ng pagitan ng Labrador at Sual, Pangasinan. Walang patid ang
pagpaparating ni JDC mula sa krudong pinangangalandakan niyang mula sa bidding sa milyong-milyong toneladang
diesel na nakaimbak sa malaking barko. P20 kada litro ang angkat niya ng smuggled diesel at naipapasa sa kanyang
parokyanong retailers mula P28 40 kada litro.
Tubong lugaw si JDC. Trabaho lang nito’y, tuwing takipsilim o minsan madaling araw, basta madilim na nakukublihan mula sa maliwanag na paningin ng otoridad, ay tumanggap ng mga epektos at dali-daling naikakarga sa isang closed van na nakasilong sa isang mangga sa mismong compound niya na malapit sa dalampasigan sa isang barangay sa bayan ng Labrador. Walang binabayarang buwis si JDC o anu pang obligasyon sa pamahalaan gaya ng mga legal na negosyante. Siguradong wala ding maayos na pasahod si JDC sa mga kargador sa operasyon, kundi kung ano man ang gustong ibigay tuwing may kargahan ng krudo mula sa malaking barko sa Lingayen Gulf.
Tanging obligasyon lamang nitong si JDC ay sa amo niyang “malaking isdang” nakatalaga sa isang ahensya ng pamahalaan sa Rehiyon Uno na nangangalaga sa kanyang proteksyon mula sa bulabog ng mga law enforcers.
Malamang kinakakatakutan si JDC ng mga opisyal ng barangay at mismong taumbayan doon, dahil sa makapal na bulsa nito mula sa smuggling at sa salaping kaya niyang ipansuhol kahit sino mang gagambala sa kanyang negosyo.
Tiyak isasawalang bahala ng Bureau of Customs, Coast Guard, PNP Maritime Group at kung sino pang ahensyang
dapat naninigurado sa pagpapatigil ng makapaminsalang smuggling, na walang operasyon si JDC o kung sino man.
Ngunit hindi ba buhay na katibayan sa nangyayaring smuggling sa Pangasinan ang pagkahuli noong unang lingo ng
Mayo ng nakaraang taon sa 1,350 kiloliters ng smuggled diesel fuel na nagkakahalagang P54 M mula sa “MV Veronica-1” sa Sub-port ng Sual? Ang mas kahindik-hindik, diesel o krudo lang kaya ang pinaparating ni JDC sa kanyang smuggling operation o pati na rin iba pang bagay?
June 22, 2024
June 22, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024