SO HELP ME GOD…. ANONG KATUTURAN?

Sa kung ilang araw pa lamang na nakaupo si Pres. Bongbong Marcos, halos kumpleto na ang pagpoposte ng kanyang mga pinagkakatiwalaang tao sa kanyang tabi. Ang pinakahuli ay si bagong OWWA Chief Arnell Ignacio. Isang batikang komedyante at may mataas ding katungkulan sa ilalim ng Duterte Administration. Marami ng sinundan si Ignacio at nakapanumpa na sa kanilang respektibong tungkulin sa pamahalaan.

Tanong ng mga mabusisi: talaga bang bago sila uupo sa tungkulin, kinakailangan ba silang MANUMPA? Kung sa Estados Unidos, hanggang sa kanilang per nakatatak ang mga katagang: IN GOD WE TRUST. Isang paraan ng pagpapakita ng tunay na pananalig sa ating Panginoon. Dito naman sa atin, sa bawa’t panunumpa, laging nasa dulo at pang-finale ang katagang – SO HELP ME GOD! Mabigat ang katuturan ng mga katagang ito sa bawa’t panunumpa upang maisasantabi ang lahat ng negatibong kaisipan at ihinahabilin ang lahat ng iyong kakayanan at tungkulin sa ngalan ng ating Panginoon ng walang kasinungalingan at pagkukunwari kundi nakabase sa katotohanan.

Lakip sa mga katagang yan ang ating pagpapakumbaba at pag-asa sa KANYANG alalay sa naibigay sa atin na tungkulin. In short, SIYA ang ating giya at tanging daan upang maging matuwid ang ating gagawing serbisyo ayon sa ating sinumpaan. Ang masaklap at mapait ay yung mga nanumpa pero taliwas sa tungkulin ang ginagawa. Nang makaupo, nag-iba. Hindi na ala-ala ang sinumpaan na ginamit pa niya ang ngalan ng Panginoon upang siya’y basbasan at kakasihan sa bigay na katungkulan. Sa madaling salita…nagiging suwail sa sinumpa.

Walang utang na loob kung baga dahil matapos mong humingi ng alalay sa Poon…nagtalusira at binalewala ang KANYANG basbas na iyong hiningi. Kaya marami ang nagsasabi – Diyos kaya ang tinawag ng mga nanumpang nagsamantala habang sila’y nakaupo? Diyos kaya ang laman ng kanilang utak nang tanggapin ang katungkulan sabay nagpabasbas pa sa Poon? O baka naman ang laman ng utak noong kanyang binanggit ang “So Help Me God” ay para sa lalamanin ng kanyang bulsa? Hindi sa nilalahat, pero alam natin na may bumabaliktad sa sinumpaang responsiblidad matapos makapanumpa. Ang masaklap pa kamo…may mga pinanunumpa na nakapatong pa
sa banal na aklat o ang bibliya ang kanilang palad upang mas taimtim daw ang paghiling ng basbas ng Panginoon.

Tanong: hindi kaya sila nakokonsensya na matagurian silang “corrupt” o mga nabubuhay nang marangya sa likud ng
naghihikahus niyang kababayan? Batid ng mga taong yan na sila’y nagkakamal ng yaman na hindi naman para sa
kanila. Yan ang mga taong hindi alam kung ano ang katuturan ng kanyang inusal noon na “So Help Me God”. Ayon sa ating pananaliksik….sabi ng mga mga banal: dito sa lupa naghahari ang mga demonyo.

Mas marami
sila upang makahatak ng mga maka-Diyos at ibuyo sila sa pagkakasala. Kung mahina ang ating pananampalataya…tiyak, babagsak tayo sa kumunoy ng kasalanan. Kaya ang ating depensa sa bawat kaway ng demonyo ay taos na
pananampalataya na walang bahid ng pagkukunwari o kaplastikan. Payo nga ng lolo ko noon….pagsinuhin ang
kaharap bago ka magtiwala. Marami ang mga mapagpanggap kaya laging manalamin para sa kaharap ganun din sa iyong sarili. Sana, nakatulong nang kaunti ang ating mga aral sa Daplis edition na ito…So Help Me God! Adios mi amor ciao, mabalos.

 

THE POWER OF VETO

CONGESTION FEE

Amianan Balita Ngayon