SOLO PARENT, MAJORITY ANG BABAE SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Iniulat ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na mahigit sa 91 porsiyento ng mga bagong solo parent ID holder ng noong nakaraang taon ang naitla,samantalang 94 porsiyento ng mga nag-renew ng kanilang ID ay mga babae. Base sa talaan, may kabuuang 859 na bagong
aplikante ang nabigyan ng solo parent ID noong taong 2022, na kinabibilangan ng 789 babae at
69 na lalaki.

Sa nasabing bilang, 302 ang babaeng solo parents na nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold ,habang 487 naman ang nasa high poverty threshold. Sa 27 lalaking solo parents ang nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold habang 42 naman sa taas ng poverty threshold. Nasa talaan din na walo
ang may legal separation; 168 ay balo; 179 ay kasal at 503 o karamihan ng mga bagong solong magulang ay walang asawa.

Bukod sa mga bagong solo parents, may kabuuang 527 ang nag-renew ng kanilang ID noong nakaraang taon, na kinabibilangan ng 497 babae habang 29 ang mga lalaki. Sinabi ni CSWDO Gender and Equality Focal Person Myrna Valencerina, na ang mga numerong ito ay hindi nakalaan
sa mga kababaihan pagdating sa solong magulang ngunit dapat isaalang-alang pagdating sa paghahanda ng mga plano at programa na may kaugnayan sa kasarian at pagkakapantay-pantay.

Ipinaliwanag ni Valencerina na ang solo parent ID ay valid lamang sa loob ng isang taon at sasailalim sa renewal kung natutugunan pa rin ng may hawak ang mga kwalipikasyon na itinakda sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act na ipinasa noong nakaraang taon na nagbibigay ng mas maraming benepisyo sa mga solong magulang.

Kabilang sa mga tulong at interbensyon na ipinaabot ng CSWDO sa dumaraming solong magulang na nagrerehistro sa kanilang tanggapan ay kinabibilangan ng mga values formation trainings, livelihood trainings, skills trainings at iba pang programa, proyekto at aktibidad na nakatuon sa pagsulong ng kanilang kasalukuyang kalagayan. Ang mga solong magulang na hindi pa rehistrado ay dapat bumisita sa kanilang mga barangay o sa CSWDO para sa mga kinakailangan sa pagpaparehistro at nakatuon sa kanilang mga nararapat na benepisyo.

Vina Pillar-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon