Reklamo: Ugali at Pakikitungo ng ating mga POSD sa ating mga Ambulant Vendor. Rason: Hindi man sila nagbabayad ng Business Permit, to think na nagbebenta sila ng Gulay at Condiments parang tinulungan na din nila ang ating mga Farmers. At atleast Nagne-Negosyo hindi magnanakaw, nagbebenta ng Droga at laman. And to think na kahit papaano po kahit hindi nagbabayad ng Business Permit na reklamo ng iba riyan eh nagbabayad naman sila ng Limang piso sa C.R na pagmamay-ari ng Gobyerno at kahit papaano nagbabayad mga yan ng Cedula. Oh kumita ka na?
Hayaan mo din sila kumita dahil kung tutuusin at iisipin parang umikot lang ang Pera diba? Suhesyon: Bigyan sila ng araw at oras na maaari silang magbenta sa lansangan o dili naman ay sa araw ng Linggo na kung saan sarado ang Session para diumano sa mga MSMes natin kuno. Bigyan ng Disiplina Action ang naguugali, Seminar/Training sa Mental Health Awareness.
Reklamo: Community Pantry kasapi diumano ng CPPNPA na sumisira sa imahe ng Gobyerno. Magbigay at Kumuha hindi sinabing Kumuha lang sinabi din na Magbigay. Kaya nga Nauna yung Magbigay bago Kumuha. Rason: Ginawa ito ng isang Tao na malinis ang hangarin at walang bahid ng Politika o Terrorismo.
Ginawa ito para makatulong sa Pamilyang naghihikahos at may matinding pangangailangan; Hindi para sa mga Kompleto ang buong Katawan at malalaki ang Katawan pero kung humakot sangkaterba na parang isang buong Angkan ang palalamunin at nung murahin saka naman ang daming excuses.
Hindi daw makalabas ang ilan kaya sila ay inutusan, saka may nabigyan naman daw na Kapit-Bahay. “Magbigay ayon sa Kakayahan, Kumuha batay sa Pangangailangan.” Suhesyon: Community
Pantry? Ok para walang lamangan at walang nawalan bakit hindi natin gawing may araw o oras para sa ating mga Senior Citizen Community, PWD’s Community, Single Mother Community, Indigent Family Community and etc….
Oh panu ba yan iKit may bagong Programming Format tayo simula May 2, 2021 sa ating Programa sa Radyo. Monday to Thursday 6PM – 7PM “Pulso Ng Bayan!” tuwing Friday naman 6PM – 7PM ang ating “Juan Tanong, Juan Sagot!” at sa every Sunday 5PM – 7PM ang “Weekend News and Current Events!” This is iKit Ng Bayan of 98.7 ZRadio FM.
April 26, 2021
April 26, 2021