SPRING FESTIVAL COLORFUL PARADE, GAGANAPIN SA ENERO 30

BAGUIO CITY

Muling matutunghayan ang kinasasabikang makulay at masayang grand colorful parade ng Chinese Lunar New Year o’ ang Spring Festival 2025 celebration sa Enero 30. Idineklara ng suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa siyudad, para bigyan-daan ang ika-27 taon selebrasyon ng Spring Festival sa Baguio City. Noong Enero 20, inilunsad
ng pamahalaang lungsod at ng Baguio Filipino-Chinese community ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Spring Festival 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake sa city hall ground, Baguio City.

“Ngayon ay inilunsad natin ang 2025 Spring Festival, ang Chinese Lunar Year, isang matagal nang tradisyon sa lungsod na sumasagisag sa panibagong pagkakaisa at kaunlaran sa magkakapatid na komunidad ng Baguio-Filipino
Chinese ngunit pinatitibay din ang mga buklod ng pagkakaibigan at pagtutulungan na umunlad sa Baguio para sa henerasyon,” pahayag ni Mayor Benjamin Magalong. “Muli sa pagkakataong ito, ipinakita ang maganda at mahusay na ugnayan ng lungsod at ng Filipino-Chinese community tungo sa pagkakaisa para sa kaunlaran ng lungsod,” ayon naman kay Peter Ng, chairperson ng Spring Festival 2025 celebration.

Ayon kay Ng, matapos ilunsad ang unang Spring Festival noong 1998 at agad na na-institutionalize noong 1999 sa bisa ng isang ordinansa, nagkaroon ng higit na pagkakaisa ang mga Chinoy sa lungsod upang suportahan ang mga proyekto ng pamahalaang lungsod, gayundin ang mga programa ng lungsod ng Filipino Chinese community. para sa pag-unlad, hindi lamang sa turismo, kundi sa paglago ng ekonomiya. Kabilang sa mga aktibidad na inilatag ay ang
media fellowship night sa Enero 22, Barangay Gift Giving sa Enero 24; Little Chinatown showcases sa Enero 26 sa Session Road.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon