Spring festival, magsisimula sa Pebrero 5

Feb 5, 2018

Magbubukas ang Baguio Spring Festival o Chinese Lunar New Year sa isang programa sa Pebrero 5 ng umaga sa City Hall grounds.
Ang pagdiriwang ay magtatagal mula ika-5 hanggang ika-17 ng Pebrero at magsasagawa ng tradisyunal na mga aktibidad sa pangunguna ng pamahalaang lungsod sa ilalim ni Mayor Mauricio Domogan at ng Baguio Filipino-Chinese Community.
Tampok sa launching program ang Lion Dance at ang pagbibigay ng mga mensahe ni Domogan at Rep. Mark Go.
Si Spring Festival Executive committee chair Peter Ng ang magbubukas sa programa at si adviser Kane Chanbonpin ang magpapakilala sa committee members. Tatalakayin ni Lawyer Cristeta Leung ang kahalagahan ng Year of Dog.
Ilalahad din ang calendar of activities na susundan ng cultural dance presentation ng Baguio Patriotic High School Chinese Faculty at trivia na pangungunahan ni Pepito Avena, head secretariat ng committee.
Ayon sa Chinese zodiac, ngayong taon ang Year of the Earth Dog.  Ang 2018 ay ika-4715 Chinese year sa Chinese Calendar.
Kabilang sa selebrasyon ang media fellowship and briefing sa ika-7, 6:30 p.m. sa Hotel Supreme; barangay gift-sharing, ika-13 sa Gibraltar barangay; grand colorful parade sa Pebrero 17, 2:30p.m. sa Session Road kasunod ng programa sa Melvin Jones at awards night program ng 7p.m. sa Hotel Supreme. A. REFUERZO / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest