STARLINK PALALAKASIN ANG INTERNET CONNECTIVITY NG PAARALAN SA ILOCOS NORTE

PAOAY, Ilocos Norte

Masaya ang mga guro at mag-aaral ng Paoay East Central Elementary School (PECES) ukol sa isang bagong Internet broadband system na magpapalakas sa kanilang digital connectivity. Kinumpirma ito ni Roberto Cachero, pinuno ng PECES sa isang panayam noong Huwebes kung saan ibinahagi niya ang impormasyon sa nalalapit na pagkakabit ng Starlink Internet, isang satellite Internet constellation na pinamamahalaan ng isang Amerikanong kompanya ng aerospace na SpaceX.

Ang Starlink ay pagmamay-ari ni international business magnate Elon Musk. Sinabi ni Cachero na ang pagkakabit ng isang mas mabilis na Internet connection ay naging posible sa pamamagitan ni Senator Loren Legarda. “We are glad and thankful to Senator Loren Legarda for spearheading the installation of Starlink Internet in our school to bridge the connectivity gap. This would allow more of our teachers to participate in online meetings and seminars and in improving educational opportunities for our learners,” aniya.

Noong Oktubre 28 ay binisita ng grupo ni Legarda ang bayan ng Paoay upang magpamahagi ng 90 tablets sa mga piling estudyante ng PECES at Sideg Elementary School sa bayan ng Paoay kung saan nagmula si Nanay Fely, ang yaya ng Senadora mula ng siya’y isilang. Ayon kay Cachero, nakararanas sila ng mabagal na Internet speed na naglilimita sa kanilang abilidad na mag-stream ng mga video o suportahan ang maraming device na tulong sa kanilang pagtuturo at sa pag-aaral ng mga estudyante.

Upang malubos ang paggamit ng Information and Communications Technology (ICT) gadgets ng paarlan, agad inialok ni Legarda ang pagkakabit ng isang makabagong teknolohiya na magbibigay ng mabilis at madaling magamit na Internet upang makaabot sa mga malalayong lugar. “I am committed to ensuring that every Filipino student has access to quality education, regardless of location. The installation of Starlink Internet is a significant step towards bridging the digital divide and empowering our students,” ani Legarda sa isang pahayag.

Noong Mayo 5, ang Mariano Marcos State University – Currimao Campus at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) 1 (Ilocos) nakipag-partner sa kompanyang SpaceX ni Elon Musk para sa unang pagkakabit ng isang high-speed Starlink Internet sa kolehiyo.Magbibigay ang Starlink ng bandwidth na 350 megabytes per second, na magagamit sa pag-upload at pag-download ng mga files, mag-streram ng mga video, at makilahok sa mga online
class ng mas madali at maayos.

Magbibigay din ito ng low latency, na makakatulong sa panahon ng video conferencing at iba pang real-time applications. Sa ngayon, ginagamit ng DICT at SpaceX ang Starlink upang mapalakas ang Internet connectivity ng mga paaralan.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon