Muli na naman ipagdiriwang ng mamamayan ng Kordilyera ang isang mahalagang araw ng pagbubuklod para sa iisang layunin at adhikain upang maisulong ang kapayapaan sa ating rehiyon. Matatandaang sa petsang ito (15 September) pinagtibay ng administrasyong Aquino at ni Conrado Balweg ng CORDILLERA PEOPLES LIBERATION ARMY ang kampanya para sa hinahangad na kapayapaan sa rehiyon laban sa insurhensyasa sa pamamagitan ng tradisyunal napagkakasundo ng mga tribu para makipagtulungan sa gobyerno.
Parehas ang organisasyong pinagmulan ng BLOMP at CPLA — ang rebeldeng komunista na bayolente ang paraan upang isulong ang kasarinlan ng rehiyon. Hindi sang-ayon dito ang BLOMP kaya lubos kaming nakiki-isa at sumusuporta sa araw na ito para ipagpatuloy ang pagtutulungan ng lahat ng tribu sa rehiyon kasama ng gobyerno upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Kordilyera.
Ang SIPAT ay isang tradisyunal na kasunduan ng bawat tribu para mapanatili ang kapayapaan sa bawat panig nito, mga batas at regulasyon na pinanday ng mga ninuno ng bawat tribu upang lalong mapaigting ang pagtutulungan at masiguro ang kaligtasan ng nasasakupan nito. Ang pagpapanday ng ganitong kasunduan ay hindi madali. Dumaan ito sa mahabang karanasan ng bawat tribu sa pakikipaglaban para sa kanilang kapayapaan. Kaya naman ang pagkakaroon ng SIPAT ng mga tribu sa Kordilyera at ng gobyerno ay maituturing na napakahalagang hakbang para maisulong ang kapayapaan lalo na sa usapin ng insurhersya sa rehiyon.
Sa kabila nito, sampu ng mga bawat tribu sa rehiyon ay nanawagan na lalong paigtingin ang ating pagkakaisa laban sa insurhensya na syang matagal nang lumalason sa kaisipan ng mga kabataang Kordilyeran at matagal nang naghahasik ng lagim sa ating rehiyon. Tandaan po natin na ang CPP-NPA ang lumason sa kaisipan ng ating mga katribu para lumahok sa walang saysay na digmaang komunista.
Sila rin ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga katribu tayo sa hanay ng pulisya at sundalo ang namamatay sa kamay mismo ng mga NPA. Kaya naman ang panawagan namin ay paigtingin ang SIPAT! Panahon na para manawagan ng FETAD laban sa CPP-NPA at sa organisasyong galamay nito sa bawat probinsya! KAILIAN ITULOY TAYO TI NAINSIGUDAN NGA UGALI TI PANAGKAYKAYSAN DAGITI TRIBU TI KORDILYERA!
September 15, 2024
October 9, 2024
October 9, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024