STATEMENT OF MT. PROVINCE REBEL RETURNEES REGARDING WEST PHILIPPINE SEA ISSUE

MAALAB NA PAGBATI!

Mula sa hanay ng mga nagbalik loob sa ating pamahalaan saludo kami sa ating mga kasundaluhan sa pagtatangol ng ating soberanya at buong tapang na hinarap ang mga nagnanais na sumakop sa teritoryo ng bansa. Matatandaang nitong June 17, 2024, nag-karoon ng panga haharass ang Chinese vessel sa ating kasundaluhang pandagat na kung saan may nasira silang mga kagamitan ,at ang masakit pa nito ay may nasaktan at naputulan ng daliri sa ating
hanay.

Ito ang patunay na napakalakas ng diwa ng nasyunalismo sa ating kasundaluhan. Sa madaling salita, ipinakita nila na sila ang totoong sundalo ng sambayanan na gustong mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa ating bansa.
Nanalaytay sa kanila ang prinsipyong tunay upang ipaglaban sa kung sinuman ang mangahas na manakop sa ating inang bayan.

Sa kabila nito matatandaang isa sa nilalabanan ng CPP/NPA/NDF ay ang pagputol ng IMPERYALISMO sa ating bansa na kung saan ito ay direktang pagkontrol ng ibang bansa sa ating bayan sa pamamagitan ng pang-agaw ng teritoryo mapa-lupain man ito o sa karagatan. Hinahamon namin ang CPP/NPA/NDF na maglahad ng mga patunay na talagang kayo ay mapagmahal at handang ipagtangol ang inang bayan.

Amianan Balita Ngayon