Stock ng NFA sa Baguio City at Benguet, dumating na

Jul 13, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Naihatid na sa rehiyon ng Cordillera ang ilang kaban ng bigas ng National Food Authority (NFA) simula noong Miyerkules (Hulyo 11) at patuloy namang nagsisidatingan ang ilan pang kaban para sa Baguio-Benguet.
Matatandaan na sa mga nakaraang buwan ay nagkaroon ng NFA rice shortage sa rehiyon at maging sa buong Pilipinas, na nagsanhi ng pagpapatigil sa mga retailers na magbenta sa nasabing bigas. Naging pasanin ito ng ibang mamimili lalo na ang mga mamamayan na salat sa buhay. Sa kabila ng pagkakaroon saganang suplay ng commercial rice ay hinahanap pa rin ng mga mamimili ang bigas ng NFA na malayong mas mura ang presyo.
Makalipas ang ilang buwang paghihintay, paunti-unti nang napupuno ang bodega ng NFA Baguio-Benguet na matatagpuan sa barangay Loakan, Baguio City.
Sa ngayon, umabot na sa 1,100 na kaban ng NFA rice ang naihatid dito at inaasahang dadating pa sa lalong madaling panahon ang mga kaban ng bigas na kukumpleto sa 102,000 kaban ng bigas na alokasyon para sa lungsod ng Baguio City at lalawigan ng Benguet.
Kaugnay nito, inumpisahan na rin ng NFA na ibahagi ang mga unang pondo ng bigas sa mga accredited retailers sa siyudad at sa iba’t ibang sangay ng gobyerno tulad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC).
Pinilahan naman ng maraming mamimili ang unang araw ng pagbubukas ng NFA rice outlet sa rice section ng Baguio City public market pero limitado lang sa limang kilo kada tao ang pinapayagang bilhin ng mga tao.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga mamimili ang balita ukol sa pagkakaroon ng stock ng NFA rice sa merkado tulad ni Alma Picar, residente ng Barangay Lower QM. Aniya, ito’y napakagandang balita lalo na sa tulad niyang hindi kayang bumili ng maramihan na mamahaling bigas tulad ng sinandomeng at double diamond rice. Dagdag pa niya na malaking tulong ito sa bawat taong komokunsumo ng bigas sapagkat ito’y mas nakakabawas sa gastusin sa kanilang tahanan.
Ayon naman kay Melissa Custodio, tindera sa 518 accredited retailer ng NFA rice, bagaman wala pang supply ng nasabing bigas sa kanilang tindahan sa palengke ay napakaganda umanong balita ito sa kanila. Dagdag pa niya na kung sakaling darating na ang supply sa kanila ay babalik na ang dating sigla ng kanilang benta.
Sinigurado namang babantayan ng NFA ang presyo ng mga NFA rice sa merkado at iba pang mga bilihan upang maiwasan ang pang-aabuso ng ibang mga nagtitinda sa presyong itinalaga ng Rice Monitoring Committee. ROMELO DUPO III, UC INTERN

RELATED POSTS

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest