Store owner,kargador, timbog sa pagbebenta ng droga

Police Patrol

LA TRINIDAD, Benguet – Nabuking ang isang store owner na bukod sa pagbebenta ng mga motorcycle parts, ay nagbenta din ito ng iligal na droga sa may Sitio Sablang, Sagpat, Kibungan, Benguet.

Kinilala ni PROCOR Director Ronald Lee, ang dinakip na si Lito Danan Hipolito, 55, tubong Guagua, Pampanga at nakatala bilang High Value Individual (HVI) drug personality.

Napag-alaman na matagal na siyang minamanmanan ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division at PDEA, hanggang ikasa ang buy-bust operation noong Hunyo 7 at ibenta sa poseur-buyer ang 0.42 gramo ng shabu na may halagang P2,856.00.

Bukod sa buy-bust boddle money at cellphone na ginamit sa transakyon ay naka-rekober pa ang pulisya ng 0.54 gramo ng shabu na may halagang P3,672.00.

Natimbog din ang isang kargador na drug pusher sa buybust operation sa La Trinidad Trading Post, na nakilalang si Mark John Curameng Requizo,26, alyas “John John”, tubong Bambang, Nueva Vizcaya at nakatira sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet.

Dalawang plastic sachet ng 1.18 gramo ng shabu na may halagang P8,024.00 ang nakuha sa suspek,matapos ibenta nito sa undercover agent na nagpanggap na buyer.

Zaldy Comanda/ABN