Strawberry, bumaba ang presyo

Feb 24, 2017

LA TRINIDAD, BENGUET – Mas mababa ngayong linggo ang presyo ng strawberry kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa Baguio public market, nagkakahalaga ang strawberry ng P200 hanggang P350 kada kilo kumpara noong nakaraang taon na umabot sa P350 haggang P500 kada kilo.
Samantala, ang maliliit na strawberry ay nagkakahalaga ng P100 hanggang P250 kada kilo sa market ng La Trinidad. Ang mga turista ay maari ding pumitas ng strawberry diretso mula sa taniman ng mga ito sa pinakamababang halaga na P300 na dati ay umaabot sa P500 hanggang P600 sa bawat kilong strawberry na mapipitas.
Ayon sa mga market vendors sa lungsod ng Baguio, isang dahilan ng pagbaba ng presyo ng strawberry ang maraming supply mula sa La Trinidad.
Ang strawberry ay tinaguriang “one town, one product” ng La Trinidad.
Aasahan naman ang pagtaas ng presyo ng strawberry sa susunod na linggo dahil sa pagdagsa ng mga turista para sa pagdiriwang ng Strawberry Festival.
Samantala, puspusan na ang paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa tampok na pagdiriwang ng ika-36 na Strawberry Festival sa Marso 18 at 19. Inaasahang dadaluhan ito ng libo-libong tao.
Opisyal na sinimulan ang pagdiriwang noong Pebrero 20 sa temang “Sustaining the fruits of La Trinidad’s agro-eco tourism.”
Ayon kay Valred E. Olsim, tourism officer, may kaunting pagbabago sa criteria at guidelines para sa float parade ngayong taon. Ang mga kalahok ay dapat gumamit ng non-motorized o sasakyan na walang makina para i-promote ang environmental responsibilities at maging kakaiba. Magkaibang kategorya ang environmental float na kailangang gamitan ng hindi bababa sa 80 porsyentong recycled materials at ang value of flowers float na para naman sa mga flower growing na barangays.
Isa ring inaabanagan ang 11feet by 8feet giant strawberry cake sa Marso 19. Ang mga nais makatikim ng cake ay maaaring mabili ito sa P15 kada slice. Limang panadero ang inaasahang gagawa at dedesenyo sa naturang cake. Ang strawberry cake ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P500,000. Jessalyn M. Soreno, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest