STRAWBERRY PICKING PATOK SA MGA TURISTA

LA TRINIDAD

Ang aktibidad na strawberry picking ay dinadagsa ng mga turista sa Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet ngayong summer season at sa nalalapit na selebrasyon ng Strawberry Festival sa Marso. Ayon kay Marilou Bagawi na katiwala sa isang strawberry picking area, isa ang strawberry
picking sa madalas gawin ng mga turista sa kanilang lungsod.

“Meron kaming sweet charlie at durango strawberry na pwedeng pagpilian ng mga turista, ngayon ay meron na rin yung white strawberry pero limited lang siya,” ayon kay Bagawi. Kamakailan ay inanunsyo ni Mayor Salda sa isang press conference ang pagpapakilala ng white strawberries sa
kanilang lugar na dapat abangan ng publiko sa isang aktibidad ng Strawberry Festival na giant twin red and white strawberry cake.

Inilarawan naman ni MJ Prado, isang turista, ang kanyang unang karanasan sa strawberry picking, “hindi lang ako yung nag enjoy pati pamilya ko, kasi yung activity na ‘to pwedeng by group. Lahat
kami nasubukan pumitas ng strawberry, may kakainin at pang pasalubong na rin.” Inaasahan na dadami pa ang mga turista na pupunta sa Strawberry Farm at susubukan ang aktibidad na strawberry picking ngayong Marso.

Bukas ito sa mga residente at turista na nagsisimula halagang PHP780. Ito ay maaaring bumuo sa 3 hanggang 5 tao o katumbas ng isang kilong strawberry. Makalipas ang tatlong taon ay muling ipagdidiwang ang Strawberry Festival na magtatagal mula Marso 6 hanggang 31.

Blanca Masadao/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon