Strict and orderly compliance in public market

Community Billboard

Mas lalong pinahigpit ang pagpapapasok sa Baguio City Public Market sa mga taong mamamalengke upang mapanatili pa rin maiwasan ang umpukan at ma-obserba ang social distancing, pagsuri ng temperatura, pagsuot ng face mask at maituro ang mga itinalagang daraanan ng papasok at palabas dahil may ilan pa rin ang hindi nakakasunod sa mga ipinapatupad na ordinansa.

Sa patuloy na pagmamalasakit na pagbabantay ng mga kapulisan ng Baguio City Police Office ay maipakita sana natin ang pagiging masunurin kung may nasisita man na mga kababayan sa atin, ito ay para na rin sa atin ikabubuti, habang nasa ilalim pa rin tayo ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay mas higit na kailangan pa rin natin ang lalong pag-iingat.

MAR OCLAMAN /ABN