SUMMER READING WORKSHOP KAILANGAN PA NG VOLUNTEER

BAGUIO CITY

Hinikayat ng Synergeia Foundation ang mga gusting mag-volunteer sa kanilang programang summer reading workshop na magaganap sa buwan ng Hulyo. Nabatid na may mahigit ng 30 volunteer ang nakisama sa training workshop na ginanap noong Mayo 2 sa Mirador Jesuit Villa Retreat House malapit sa Lourdes Grotto. Ang workshop ay tinuruan ng mga kalahok kung paano
turuan ang mga bata kung paano magbasa simula sa pagbigkas ng mga letra ng abakada hanggang sa pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng mga salita.

Dinaluhan ito ng mga guro mula sa mga elementarya at kolehiyo, mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, at mga estudyante mula sa mga unibersidad ng lungsod ng Baguio. Ang pinaplanong reading workshop ay nais turuan ang tatlong libong mga bata sa loob ng sampung araw. Para sa mga interesado, maaring makipag-ugnayan kay Miss Ningining C. Doble sa kanyang Facebook account.

Thea Sherina Cathelin Rillera/UBIntern/ABN

Amianan Balita Ngayon