Sumuko, nahuli sa drugs bumaba ngayong Mayo

May 28, 2017

Kumpara noong Abril, mas mababa ngayong Mayo ang bilang ng mga arrested drug users at pushers, at ng mga surrenderer dahil sa ilegal na droga base sa tala ng Drug Enforcement Unit ng Baguio City Police Office.
Mula Mayo 1 hanggang Mayo 23, umabot sa 13 na sangkot sa ilegal na droga ang naaresto ng mga pulis habang isa naman ang sumuko. Mas mababa ito kumpara noong nakaraang buwan kung saan 24 na sangkot sa droga ang naaresto habang pito ang sumuko.
Ayon kay Police Chief Inspector Dexter Ominga ng DEU, patuloy pa rin ang kanilang information operation o “taphang” kung saan isinasagawa ang seminars o pagpupulong at pakikipagdayalogo sa publiko partikular na sa mga driver ng jeep at taxi maging sa mga operators ng mga ito, mga vendors, entertainers.
“Hindi na namin ginagamit ang operation tokhang. We are using the operation “taphang” in a way na we are conducting information operation sa mga tao, encouraging them na mag-surrender habang maaga pa. Taphang dahil ita-tap natin sila at i-eengage namin sila in a form of pulong-pulong na lang to surrender, hindi na iyong bahay-bahay.”
“Doon sa tokhang kasi, kapag pinuntahan ka, para na ring sinasabing pusher ka na. Kapag sa taphang kasi, information operation nga lang.”
Paglilinaw ni Ominga na lahat ng naaaresto partikular sa iligal na droga ay kanilang kinakasuhan. Mananatiling detainee ang mga ito habang hinihintay ang desisyon ng korte.
Ayon kay Ominga, kalahok ang mga drug surrenderers sa mga activities sa ilalim ng pangangalaga ng Department of Social Welfare Development.
Mula noong natigil ang operation tokhang dahil sa pagputok ng isyu ng human rights violations o ang mas nakilalang “extrajudicial killing”, patuloy ang kapulisan sa Baguio City sa pagpapatupad ng revisitation kung saan binibisita ng mga pulis ang mga dati nang sumuko. Ayon kay Ominga, kapag napatunayang gumagamit muli ang mga dati nang sumuko ay subject for police operation ang mga ito.
Hinihikayat ni Ominga ang komunidad na himukin din ang mga drug user o pusher na sumuko na lamang sa pulisya. “We will help them na magbagong buhay.”
Aniya, nananatiling lehitimo ang kanilang operasyon sa DEU kung ipapasok ang nagdaang kontrobersya ng extrajudicial killing. “Huwag nating pag-usapan iyong EJKs when it comes to drug operations kasi [legitimate] ang ginagawa naming drug operations. Sino naman ang makakapagsabi na EJK ang nangyari kapag pinatay ang isang tao? So, we don’t condone iyong EJK dito sa PNP. Since iyan na iyong ginamit nilang term mas lalo na sa media, sinabi kapag namatay na iyong tao, sinabi na na EJK. Hindi namin tino-tolerate ang mga member ng PNP na mag-conduct ng sinasabi nilang EJK. Kino-condone namin ang EJK sa BCPO since we all know na it is a form of criminal activity kapag EJK. Talagang kino-condemn namin iyong paggawa ng EJK pagdating sa drug operations.” Adrian Trinidad, UC Intern / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest