Sundalo aksidenteng napatay ng pamangkin sa loob ng Camp Allen

BAGUIO CITY (December 11, 2020) –Isang Philippine Army Staff Sergeant ang namatay matapos aksidenteng tamaan ito ng bala ng pumutok ang Ca;45 na service pistol ng sundalo ng ikasa ito ng kanyang 20 anyos na kamag-anak habang nagiinuman ang mag-tiyuhin sa isang gusali sa loob ng Camp Henry T.Allen sa lunsod na ito.
Nakilala ang biktima na si Romenick Dawaton, 42, tubong Pasil, Kalinga at Liaison Officer ng Armed Forces of Philippines (AFP) nan naka base sa Northern Luzon Command (Nolcom).
Ayon sa inisyal na ulat ng mga imbestigador ng Baguio City Police Office ay nag-iinuman umano ang magtiyuhin ng utusan umano ito ng biktima ang kanyang pinsa na si Balmaceda Dawaton, 20, isang estudyante na itago ang kanyang baril subalit ng tanggalin umano ng suspek ang magazine ng baril ay aksidente umanong pumutok ang baril na kung saan ay tumama sa sahig na semento at bumalandra ito na tumama sa dibdib ng biktima.
Isinugod pa umano ang biktima sa ospital subalit namatay ito habang ginagamot. Agad naming inilagay sa loob ng Baguio City Jail ang batang Dawaton habang iniimbestigahan pa ang nangyaring pagkamatay ng sundalong amain nito.
Art A. Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon