BAGUIO CITY (February 16, 2021) – Pinagbabaril-patay ng isang Philippine Army Corporal ang bodyguard ni Kalinga Governor Ferdinand Tubban Jr. at isa pang empleyado dakong 8:00 Lunes ng gabi sa Tabuk City, Kalinga dahil diumano sa P2,000 na utang na sinisingil ng sundalo.
Ayon kay Cordillera police director Brig. Gen. RWin Pagkalinawan, dumating si
Corporal Denmark Baddongon, kasalukuyang naka-assign sa 503rd Infantry Brigade, sa Florendo Compound sa Purok 6, Barangay Bulanao, Tabuk City na tinitirahan nina Denver Sangdaan Tubban at Jenner Bananao Ewad, isa pang Kalinga provincial employee, upang komprontahin tungkol sa P2,000 na pagkakautang ng una.
Nang uminit ang sagutan, naglabas ng baril ang sundalo at nagumpisang magpaputok sa lupa at sunod na pinagbabaril si Tubban nang akmang isarado ang gates ng compound.
Pinagbabaril din ng sundalo si Ewad nang tulungan nito si Tubban.
Kalinga police director Col. Davvy Limmong said Nagtamo si Tubban ng anim na tama sa leeg, braso, dibdib at dalawa sa likod na ikanamatay nito bago pa man makarating sa pinagsugurang Kalinga Provincial Hospital (KPH).
Idineklarang ligtas naman si Ewad na nagtamo din ng tama sa kaliwang puwetan, binti at kanang bahagi ng dibdib.
Nakalikom ang mga imbeastigador ng 13 fired shells at 3 fired bullets mula sa isang 9mm pistol mula sa pinangyarihan ng pamamaril.
Ayon pa kay Limmong, nasa kamay na ng Tabuk City police ang sundalo matapos “sunduin” diumano ito sa kampo ng 503rd Brigade sa Tabuk sa pakikipagtulugan ng mga opisyales ng nasabing Army unit.
Artemio A. Dumlao
September 13, 2024
September 2, 2024
August 26, 2024