Habang libong tao ang patuloy na binibilang ang kanilang lugi matapos ang mahiwagang
sunog na tumupok sa malakahing bahagi ng Baguio City Public Market partikular sa Block 3 at
Block 4 ay nanawagan si Mayor Benjamin Magalong ng pasensiya. Sa halos 2,000 vendors na
naapektuhan na maraming dekada nang nakapuwesto doon, ang sunog sa pampublikong
pamilihan gabi ng Marso 11 ay pinakamalaki na sa lungsod at nangyari pa sa Fire Prevention
Month.
Samantalang nakikiramay kami sa mga taong nakaranas ng pagkawala ng kanilang kabuhayan, mahalaga na magkaroon ng masusing pagsisiyasat upang ang angkop at wastong mga aral ay matutuhan. Napakarami na nating trahedya ng sunog na dapat sana’y nagpatatag ng iba’t-ibang uri ng mekanismo ng mga nagpapatakbo sa mga panilihang ito upang maiwasan ang mga trahedyang ito. Ang pinaka nakakainis ay ilan sa sa mga insidente na humahantong sa malaking pinsala sa mga kabuhayan ng mga tao ay dulot ng walang malasakit na pag-uugali ng ilang tao.
Nagpalubha pa sa trahedya ay sa lahat ng mga pangyayari, maiaalok lamang ng mga awtoridad ay bisitang pakikiramay at pagpapahayag ng suporta kung saan hindi halos nasusuportahan ng anumang konkretong mga hakbang. Marahil ang mas nakakaligalig sa mga pagkalugi ay karamihan sa mga negosyante (vendors) ay hindi nila ini-insure ang kanilang mga produkto. Marami sa mga insidente ng sunog ay nauugnay sa ilang kadahilanan gaya ng nakaimbak na gasoline, pagtaas ng kuryente, iligal na mga koneksiyon ng kuryente, kapabayaan dahil sa pagsindi ng posporo o napabayaang may sinding kandila, mga gamit pangluto at LPG gayundin ang kawalang-alam sa mga pamamaraan sa kaligtasan.
Higit sa karaniwang panaghoy, mahalagang tanungin kung may seryosong konsiderasyon ang naibibigay sa di-maiiwasang pagkakaroon ng mga sunog sa mga pamilihan at pati na sa pribado at pampublikong mga gusali. Sa karamihan ng mga bansa, hindi sapat lamang na idisensiyo at ipatayo ang mga gusali, mahalaga rin na maglagay ng palugit para sa isang posibleng pagkakaroon ng sunog na sinisiguro ang kahandaan ng mga kasangkapang pamatay-sunog sa mga nasabing establisimiyento. Ang paglalaan ng mga palugit ay talagang bahagi ng pagpaplano ng lungsod.
Batid namin na may mga fire codes at regulasyon dito, ngunit bihira silang ipatupad.
Katunayan, sa maraming pamilihan ay may limitadong pasukan kung saan ang mga kawani ng
pamatay sunog at emergency personnel ay makakaraan upang apulahin ang sunog bago ito
lumaki at kumalat. Pero, sa kamakailang pangyayari ay nagtuturo na may pangangailangan para
sa mas mabuting pagpapahalaga sa mga hamon na dulot ng pagkakaroon ng sunog lalo na kung
sabay-sabay ito upang ang mga awtoridad ay makapag-umpisang humubog kung paano haharapin ang mga ito. Upang mabawasan ang tumataas na pagiging regular ng pagkakaroon ng sunog at panganib sa mga buhay at ari-arian, mahalaga na paigtingin ang adbokasiya sa isyu; magsagawa ng regular na mga fire drill; ipatupad ang mga umiiral na fire codes at itaas ang katangian at kakayanan na nakahanda sa ating mga pamatay sunog.
Nagiging mahalaga rin na dapat isiguro ng mga negosyante ang kanilang mga puwesto at paninda. Yun lamang ang tanging paraan upang mabawi ang mga nalugi sa mga trahedya ng sunog.
Nananawagan kami sa pamahalaang lungsod na magkaroon ng mahusay at epektibong mga mekansimo upang protektahan ang ating mga pamilihan mula sa mga insidente ng sunog. Kailangan din nila, bilang bagay na kinakailangan na pakilusin ng lubos ang serbisyo ng pamatay- sunog at mahigpit na mga patakaran ay dapat ilatag upang maparusahan at panagutin ang
sinumang tao o grupo na nagsagawa ng alinmang aktbidad na nagresulta sa sunog.
Kailangan ding lumabas ang totoo at patas na resulta ng imbestigasyon upang mapawi ang malaking katanungan kung ang sunog ba ay sinadya o hindi lalo pa’t nakaamba ang modernisasyon at tila pagsasapribado ng pampublikong pamilihan ng lungsod. Hangga’t hindi ito nagagawa, patuloy ang haka-haka, agam-agam at hinala ng mamamayan, gayundin magpapatuloy ang mga insidente ng sunog na magbibigay ng di-na maibabalik at di-makuwentang pagkalugi sa ating lungsod.
March 18, 2023
November 30, 2024
November 23, 2024
November 17, 2024
November 9, 2024
November 1, 2024