Sunog sa paaralan, agad na naapula

LUNGSOD NG BAGUIO – Malaking tulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng fire extinguisher.
Ito ang naging pahayag ni Principal Betty Adiwang ng Emilio Aguinaldo Elementary School matapos na nagkaroon ng sunog sa kanilang paaralan dakong 3:56pm noong Pebrero 20, 2018, na agad ding naapula dahil sa bayanihan ng mga empleyado at sa tulong na rin ng mga rumespondeng kawani ng Bureau of Fire Protection sa lungsod.
Ang sunog ay nagmula sa labas ng abandoned comfort room ng paaralan na naging imbakan ng mga recyclable materials.
Ayon sa salaysay ng principal, “siguro yung mga batang naglaro kasi pag nainitan ang plastic madaling masunog.”
Nasabi rin ni Adiwang na kailangang pagsabihan ang mga bata na huwag maglaro ng apoy upang makaiwas sa aksidente. MICHAEL R. MARTINEZ, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon