SUPPLIER NG SHABU MULA METRO MANILA, TIMBOG SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Dalawang High Value Individual drug personalities mula sa Metro Manila ang natimbog ng P174,000 halaga nang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa siyudad ng Baguio, noong Mayo 16. Nabatid na matapos ang pakikipagnegosasyon ng tauhan ng PRO-Cordillera Regional Drug Enforcement Unit sa mga suspek na nakilalang sina Salamia Tucalo at Joyce Monta, ay isinagawa ang transakyon sa may Evangelista Street, Barangay Leonila Hill, Baguio City.

Ibinenta ng mga suspek ang tinatayang 25 gramo nang hinihinalang shabu sa isang undercover na pulis na may Dangerous Drug Price na P174,000.00. Lumalabas sa imbestigasyon na ilang beses na nakipag-ugnayan ang suspek sa police asset kaya sinimulan ang operasyon. Karaniwan silang nagdadala ng higit sa kung ano ang nahuli sa kanila at mayroon nang mga kontak sa iba pang mga dealers sa lungsod. Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002,na na inamiyendahan ng Republic Act 9165, na walang inirekomendang piyansa.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon