BAGUIO CITY
Isang High Value Individual drug personality na wanted, kaugnay sa pagbaril nito sa kanyang live-in partner, ang nadakip sa service warrant operation ng pulisya sa may Marcos Highway, Baguio City,noong Agosto 13. Ayon sa Baguio City Police Office-Station, ang suspek na si Alyas Charles, ay nakalista bilang No.1 Top Most Wanted person dahil sa pagbaril nito sa leeg ng kanyang live-in partner noong Hulyo 7,2024, na ngayon ay naparalisa ang biktima.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Modesto Bahul Jr., Branch 2, Judicial Court,Baguio City, sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act, ay ikinasa ang pagdakip sa
suspek. Ang isa pang nakabinbing kaso ng illegal possession of firearms sa ilalim ng RA 10591 ay naghihintay ng isa pang warrant of arrest na ilalabas matapos maberipika ang slug na kinuha sa biktima ay nagpapakitang ang suspek
ay hindi lisensyadong may-ari ng baril.
Sa pagkakaaresto sa kanya, nakuha sa kanya ng mga pulis ang ilegal na droga na may kasamang sachet ng hinihinalang shabu at 3 sachet ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng halos P500,000.00 bukod pa sa iba’t
ibang drug paraphernalia. Ang suspek ay isa ring high value target ng rehiyon na minarkahan ng Philippine Drug Enforcement Unit. Nasa kustodiya na ngayon ng BCPO Station 10 ang suspek habang naghihintay ng inquest proceedings para sa kanyang kaso sa RA 9165 na kilala rin bilang Comprehensive Drug Act of 2002.
ZC/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024