Suspek sa pagpaslang pastor sa Benguet, huli

LA TRINIDAD, BENGUET – Nadakip ang suspek na nag-ambush sa pastor sa Atok, Benguet noong Abril 22 sa kaniyang tahanan sa Nueva Ecija.
Ang suspek na si Francisco Bernardo, 36, ay nadakip ng mga intelligence agents mula sa Cordillera police, Naval Intelligence Security Group (NISG)-Northern Luzon at Benguet police sa kaniyang tahanan sa Cawayan, Bugtong, Guimba, Nueva Ecija noong Linggo.
Kasama ni Bernardo ang ibang gunmen na nakasakay sa motorsiklo nang magpaputok at napatay si Pastor Jonathan Pasigon sa Kilometer 22, Atok, noong Pebrero 9, pahayag ng Benguet police. Hindi nakarating nang buhay ang biktima sa ospital.
Ang pagpatay ay itinuturing ng Benguet police bilang unang assassination ng motorcycle-riding gunmen sa probinsiya.
Ang manhunt ay nalikha laban kay Bernardo ni Judge Danilo Camacho ng Regional Trial Court branch 62 sa La Trinidad, Benguet na siyang nagbigay ng utos upang agad na maaresto ang suspek. A. ALEGRE

Amianan Balita Ngayon