BAGUIO CITY
Naisampa na ng Baguio City Police OfficeStation 1 ang kasong Robbery with Homicide sa City
Prosecutor ’s Office noong Hulyo 18 laban sa suspek na pumatay at pagnakawan ang isang vendor sa loob ng kanyang bahay sa Barangay San Luis,Baguio City, noong Hulyo 11. Bukod sa nabanggit na kaso, nahaharap din ang suspek na pinangalanang Karl, 22, residente ng Malakas St.,Quezon City, ng kasong abduction of minor, matapos tangayin nito ang 13 taong gulang na babaeng anak ng
biktima, matapos ang krimen.
Sa masusing imbestigasyon, information gathering at maagap na followup operation ng pulisya, unang tinungo ang address ng suspek sa Quezon City at napag-alaman mula doon na nagtungo ang
suspek sa Isabela. Sa tulong ng Tumauini Police Station, natunton sa kanyang pinagtataguan sa
inuupahang kuwarto ang suspek, kasabay ang pagkakabawi sa dalagita noong Hulyo 16.
Matatandaan, noong umaga ng Hulyo 11, ang biktimang si Floradel De Mesa,39, ay natagpuang patay na pawang nagtamo ng maraming saksak sa kanyang dibdib at iba’t ibang bahagi ng
kanyang katawan, ang nadatnan ng kanyang anak na 17 taon gulang na lalaki sa loob ng silid ng kanilang bahay sa San Luis Extension, Baguio City.
Ang kanyang 3 taong gulang na anak na lalaki ay kasama niya nang maganap ang insidente ay hindi nasaktan at nasa tabi lamang ng patay na ina. Lumitaw din sa imbestigasyon na nawawala ang pera ng biktima na humigitkumulang sa P100,000.00 at cellphone nito. Ang nasagip na dalagita sa harapan ng kanyang Auntie ay kusang-loob na nag-turn over ng isang pirasong black jungle knife na may sukat na 11.5 inches kasama ang hawakan nito na may itim na casing na pag-aari ng suspek.
Ang nasabing patalim ay pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima. Ang suspek ay nakakulong ngayon sa Baguio City Jail, habang ang nabawing menor de edad ay nasa kustodiya ngayon ng City Social Welfare and Development Office.
Zaldy Comanda/ABN
July 21, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023