Suspek sa pagpatay sa Benguet, nasakote sa Maynila

BAGUIO CITY –Nadakip na ang tinaguriang No.8 Top Most Wanted Person ng lalawigan ng Benguet, na nagtago sa
Maynila,kaugnay sa pagpatay nito sa kanyang kasamahan noong 2021 sa bayan ng La Trinidad, Benguet.
Magkakasanib na tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station aa Eastern District Intelligence Unit, ang dumakip sa suspek na si John Dela Torre Miranda, 24, construction worker at residente ng Barangay Santo Christo, Bukid area, Caloocan City, noong Martes,Mayo 24.
Sa pamamagitan ng paggamit ng Alternative Record Device (ARD) sa panahon ng operasyon ay hindi nakapalag ang suspek ng dakpin ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Isagani Gomez Calderon,Banch 8, Regional Trial Court, La Trinidad, Benguet sa kasong Homicide.
Noong Agosto 1, 2021, sa Shilan, La Trinidad, Benguet, nag-inuman ang biktima at ang suspek at iba pang kasamahan sa loob ng kanilang temporary billeting area nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Binato umano ng isa sa mga suspek na si Russel Pria ang biktima ng kawali. Nagising ang biktima upang lapitan si Fria
ngunit siya ay sinaksak ni Miranda sa kanyang dibdib.
Naisugod pa sa Benguet General Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician, habang nakatakas naman ang mga suspek matapos ang insidente.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon