Tapos na ang La Nina at parating na rin ang El Nino na ayon sa PAGASA ay maaaring mabuo sa Hulyo-Agosto-Setyembre ngayong taon na maaari ding magpatuloy hanggang 2024. Dahil dito ay nag-isyu ang mga meteorologists ng bansa ng El Nino Watch dahil ang mga kondisyon ay paborable sa pagbuo ng El Nino sa loob ng susunod na anim na buwan kung saan ang probabilidad ay mataas sa 55 porsiyento at mataas pa. Ang kababalaghan ng panahon ay kakikitaan ng pag-init ng temperatura ng dagat.
Pinapalaki ng El Nino ang posibilidad ng mas mababa sa normal nap ag-ulan na siyang magdudulot ng tagtuyot sa ilang lugar sa Pilipinas. Ang pinakahuling pangyayari ng El Nino sa bansa ay dumating mula sa huling bahagi ng 2018 hanggang unang bahagi ng 2019. Kayang panipisin o ubusin ng El Nino ang mga suplay ng tubig at magiging sanhi ng pagkalugi sa produksiyon ng agrikultura. Noong 2019 ay maraming probinsiya ang nakaranas ng kakulangan sa tubig habang tumulong ang El Nino sa malakihang pagbaba ng pag-ulan.
Umabot sa 8 bilyong dolyar ang naging pinasala dulot ng kababalaghan sa panahon. Sa ngayon pa lang ay nararanasan na ang matinding init ng panahon at pagkaunti ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa bansa kaya pinaalalahan ng mga awtoridad ang publiko na magtipid ng tubig at matutong mag-ipon ng tubig. Ang ilan sa ibunugay na paalala sa pagtitipid sa tubig ay ang : Mag-ipon ng tubig-ulan; gumamit ng palanggana kapag naghuhugas ng plato; gumamait lamang ng washing machine kung maramihan ang lababahin; gumamit ng isang timba ng tubig kung maghuhugas ng sasakyan; maligo ng madali; magdilig lamang ng mga tanim sa umaga o sa gabi at gumamit ng isang basong tubig sa pagsisipilyo ng ngipin. Ayon sa PAGASA ay nag-umpisa na ang taginit na inaasahang tatagal hanggang Mayo.
Lubhang kapansin-pansin na ang pagbabago ng klima at panahon kung saan sa taong 2000, ang malakas na pangyayari ng El Nino ay dumarating tuwing 15 taon. Ngunit matapos ang taong 2000 ay nangyayari na ang malakas na El Nino sa loob ng tuwing lima o pitong taon. Inaasahn ding tatatama ang tropical na mga bagyo sa Abril kung saan hanggang isa; sa Mayo ay 1 hanggang 2; Hunyo ay 1 hanggang 2; sa Hulyo ay 2 hanggang 3; Agosto ay 2 hanggang 3 at sa Setyembre ay 2 hanggang 3 na bagyo. Sinabi pa ng mga mga PAGASA na nakakaapekto ang climate change sa dalas at lakas ng mga pangyayari ng El Nino.
May panahon pa para makapaghanda tayo sa banta ng El Nino lalo na sa mga probinsiyang paboritong tamaan nito. Maging gabay n asana ang maagang mga paalala at babala upang magawa ng publiko ang kanilang bahagi sa pagtugon sa problemang ito. Subalit higit dito ay dapat na ring tingnan ng gobyerno ang mga dapat na pamamaraan upang maibsan at maiwasan ang lalo pang epekto nito sa bansa at mamamayang Pilipino.
Nawa ang ideya at planong pagtatatag ng isang Water Department ay tamang direksiyon upang masolusyunan ang tumitindi nang problema sa tubig kung saan tanging mga pribadong water concessionaire ang nakikinabang ng malaki habang nasasamantala ang taong-bayan. Minsan umaakama nga ang kabalintunaan na “napapalibutan tayo ng maraming tubig, subalit kinukulang pa rin ng suplay nito lalo na sa mga kalunsuran.”
April 1, 2023
September 13, 2024
August 31, 2024
August 24, 2024
August 17, 2024