BAKIT NGA BA GANITO ang panahong umiiral, hindi lamang sa atin, hindi lamang sa Kamaynilaan, ngunit pati na rin sa iubang lugar sa buong mundo? Sala sa init, sala sa lamig, paiba-iba, hindi ba? Sa isang iglap, biglang bubuhos ang ulan. Malakas at walang puknat. Ngunit, hindi pa natatapos ang oras, biglang liliwanag ang kalangitan, magiging
aliwalas, bigla na lamang si Haring Araw nakasilip sa tabing ng mga ulap sa himpapawirin. Maya-maya pa, bubunghalit ang araw, buong liwanag, ibubuhos ang kanyang kapangyarihan upang muling ipabatid ang kanyang
pwersa.
Wala pang isang oras, muling magdidilim ang kalangitan, magsusungit ang panahon at muli, bubuhos ang ulang tila nagpahinga lamang. Nakakahilo ang klimang nagbabago. Climate Change ang turing, kaya naman hindi mo na maispeling ang nangyayari sa panahon. Tag-ulan na nga naman, ayon sa deklarasyon ng Weather Bureau – bagay na naghintay pa ng dalawang linggo bago nila ipinahayag ang ibig sabihin ng pabago-bagong panahon. Ngunit gayonbg tag-ulan na, bakit walang puknat ang dagsa ng mga turista at bisita. Kabi-kabila ang mga pagtitipon na pangnasyonal.
Hindi magkandaugaga ang mga punong abala, upang kahit na tag-ulan, kahit na may init sa panahong nararanasan, ay mabigyan nga maayos na pagpapahalaga ang halaga ng isang Lungsod ng Baguio para sa mga dumadalaw sa atin. Inuulan man ang lungsod nitong mga nakaraang araw, hindi na dapat pagtakhan ang patuloy na pagmamahal sa ating lugar ng mga naiinitang mga kapwa Pilipino. Panahon man ay pabago-bago, ganun pa rin kasidhi ang pagnanasa n gating mga kababayan na masi ilang araw ay kanilang malanghap ang natural na hangin na dulot ng ating Inang Kalikasan.
Huwag ng magtaka, tag-ulan man, lalo lamang tumitindi ang kanilang nasa na maibsan ang init ng kapatagan. Gayung mainit pa rin ang panahon, dito sa atin, ibang uri ng hangin ang nararanasa. Eh bakit nga kasi, lampaslangit halos nag-aapoy na kainitan ng panahon na hanggang ngayon, kahit na umaabot na ang panahon ng tag-ulan sa kanila, ay patuloy pa rin silang hinahampas ng tagtuyot? Hindi biro ang pagpalo ng init sa 48 degrees C hanggang sa 52 degrees C sa mga pook na dati namang hindi nakakaranas ng ganoong init ng panahon. Sa Dagupan mismo, na ilang daang kilometro ang layo sa atin, nagyoyo ang temperature sa higit 48 hanggang 56 degrees C.
Iisa ang dahilan, mga kababayang Pinoy na naiinitan. Laging paborito ang Baguio ng mga bumibisita maski ilang mga araw. Kaya naman, hindi magkadaugaga ang mga dumarating na turista. Pinili nilang magpalipas ng mga 2-3 araw dito sa Baguio, malanghap lamang ang natural na hanging dulot ng malamig – hindi nanlalamig – na
temperatura. Hindi naman kalamigan ang hanap ng ating mga kababayang taga-ibaba. Maski na ilang araw ng fresh natural air, kanilang lalandasin ang ating lungsod na kilala naman sa pagiging lugar ng ma-preskong hangin. Hindi ibig sabihin na mahangin tayong mga taga-bundok ng Baguio.
Nagkalat ang mga mahangin sa Batasan Hills sa QuezonCity, di po ba? Dyan natin pagtatakhan ang pabago-bagong bugso ng panahon. Hindi nga po ito dapat pagtakhan. Sa gitna ng umiiral na tindi ng taginit, lalo na sa kapatagan at
kaMaynilaan, lampas-langit na nga ang pagbulusok ng init ng panahon. Humahampas, humahambalos. Init na nanunuot. Hanggang sa kailaliman ng mga buto. Ika nga, sagad to the bones. Sana naman ay tuloy na ang tag-ulan. Gawing matagal. Ibang klase at kalidad ang nagdaang taginit. Humahagupit. Kaya naman, hindi kakaunti ang ang halos magsayawan sa tuwa habang tinatanggap ang mga tikatik ng mga patak na hulog ng langit.
Tag-ulan ng talaga, kahit na ganun pa rin ang init sa maghapon at magdamag.. Paalam na sa tagtuyot na panahon. Alis na at mangibang bakod. Ang madalas ngang marinig, ngayong patapos na ang tag-inirt, ibaon na sa limot ang
mga nagdaang araw na kailan lang nating dinaanan. Na kung saan, sagad hanggang buto-buto ang init na dinaranas.
Ganito na nga ang mga nakababaliw na senyales ng panahon? Na ang tag-tuyot ay magdudulot ng ibayong init na hindi pa kailanman naranasan? Maaalala pa ba ang mga pawis natin na hindi lang tumatagtak? Di po ba, umaagos na? Mga pawis natin, hindi na patak-patak.
Buo-buo na. Hindi parang luha, kundi parang agos na may hapding iniiwan sa katawan. Kaya naman, ngayong tagulan na, hayaang buksan ng kalangitan ang lahat ng bintana upang ibuhos ang biyaya ng ulan. Hayaang basain ang mga tigang na kalupaan na binasag-basag ng init ng panahon. Hayaang kahit minsan ay magtampisaw tayo sa ulan, at buong layang paagusin ang tikatik ng tubig mula ulo hanggang paanan. Tunay na katangi-tangi ang ating lungsod. Binalangkas at binuo upang magsilbing mapang-akit na gayuma sa mga nasa ibaba nito. Kahit ngayong panahon ng tag-init, ang nararamdaman ay mahinahong init na kaya pang indahin at salagin, anumang oras, maski sa rurok ng kataasan ng araw.
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 15, 2024