Tagong yaman, ibabalik ng mga Marcos?

Sep 3, 2017

Hanooo??? este, anooo??? Ibabalik ng mga Marcos (daw) ang kanilang mga tagong yaman? Teka lang pards, medyo may na-wrong spelling yata tayo o mali ang pandinig! Ibabalik ba o isosoli? Teka, parang parehas din, eh! Spelling lang ang magkaiba, di ba? Kasi pag ibabalik, ibig sabyan ay may kinuha. Kahit pa isoli, ibig sabihin – may kinuha ka rin, di ba? Sa mas mababaw na kataga, may ninakaw ka, di kaya? Teka, lalo yatang gumulo ang usapan. Umayos tayo, pards.

********
Nang mawala sa poder ang late Pres. Marcos, inakusahan siyang diktador. Bago siya namatay sa Hawaii, naakusahan siyang nagnakaw sa kaban ng bayan. Pero sa ngayon, may kasama na palang mga bareta ng ginto! Akala namin baretang sabon lang ang meron. Yun pala ay bareta ng gold na pala ang usapan. Susmaryusep! Bumibigat ang kontrobersiya, pards. At ano ba ang mga ire? Ill-gotten ba o nakaw na yaman? Di ba iisa rin ang ibig sabihin? Inenglis lang, di ba? Kung hindi ill-gotten, sabi ng isang tsismoso, bakit mo raw isosoli? Bakit ka magbabalik ng isang bagay na kinuha mo nang legal? Kapag nakuha sa illegal, di ba nakaw? Mariakusina impusipos, pare-parehas din yan eh! Aba’y sinong niloloko nila? Relaks lang, pards. Di pa tayo tapos.

********
Matagal nang hinahabol ng gobyerno ang ill-gotten wealth ng mga Marcos. May tsismis nga riyan na may sampung bilyong dollar accounts sila sa ibayong dagat, eh. Meron ding ibinulgar ng dating Mayor ng Manila na si Rep. Lito Atienza na may pitong toneladang ginto raw ang mga Marcos. Tsinismis daw ito sa kanya ni Mrs. Imelda Marcos. Eh, sino ba ire? Hoy, misis yan ni Makoy. Kongresman ngayon yan. My God! Ibig sabihin, mga hinahabol, nakabalik na gobyerno? Matagal na, bok! Parang ngayon ka lang nasilang. Ang mahirap, ngayon lang ulit nagigising ang isyu ng nakaw na yaman. Ano bang nangyari? Paano, mismong si Pres. Duterte ang nagsabing may bumulong daw sa kanya na gustong tumulong ang mga Marcos sa ikatatag ng bansa sa isyu-pinansiyal. Ginoong nakapalda! Kay tagal nang pinaghahabol ang mga yaman na yan, bakit ngayon lang gustong ibalik? Kinuha ba talaga o ninakaw?

********
Para sa mga kagaya nating tuliro sa isyung magulo, heto ang katwiran daw ng mga Marcoses, ayon sa ulat: ayon kay Digong (base sa impormante niyang taga-Kampo-Marcos) na pinoprotektahan lang daw noon ng dating pangulong Ferdie Marcos ang ekonomiya ng bansa sa panahong nagkakagulo (kudeta?) at inisip daw niya na makakabalik pa siya sa Palasyo kaya itinago muna ang mga yaman na yan kasama na ang ilang bareta ng ginto. At dahil sa malaki raw ang deficit spending ng gobyerno ngayong panahon, naisipan ng mga Marcos na isauli ang bahagi ng yaman ng mga Marcos baka sakaling makatulong. He he, medyo may punto pero, talagang may kaguluhan pa rin ang punto eh! Kasi sa tinagal-tagal ba naman ng nagdaang panahon na hinahabol sa iyo ang isang bagay, bakit ngayon mo lang naisipang isoli? Di ba, maliwanag daw na may punto kang gusto mo itong angkinin? Hayy, magulo talaga. Hindi lang blurd, baluktot yata. Kasi, sabi ng mga gurang na kakilala ko: ibig bang sabihin, kapag nagnakaw ka at isosoli mo, wala ka ng pananagutan? Ano ka, Robinhood? Anak ng tikbalang. Pag ito ay tinanggap ng lipunan, darami pa ang magnanakaw. Kaya sir President, sabi ng marami, isip-isip muna bago kumilos. Hmmm, kung kami ang tatanungin, he he… paalam na lang muna kami. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest