Taiwan University at ASUS, sinanay ang ALS sa Bauang

Jul 16, 2017

BAUANG, LA UNION – Sa muling pagbisita ng Southern Taiwan University of Science and Technology (STUST) at pakikipagtulungan ng ASUS Foundation sa pamamagitan ng Fil-Chi Love and Care Foundation sa bayan ng Bauang, La Union ay isinagawa ng 10 araw na Basic Computer Training Program para sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) kabilang na ang 40 mag-aaral na mga out of school youths (OSYs), miyembro ng 4Ps at moral recovery fighters ng Bauang.

Ang organisasyon ay namigay rin ng 50 yunit na computer sets maliban sa isinagawang training mula Hulyo 9 hanggang 21, 2017 sa ALS Training Center, Bauang North Central School.

Nauna nang nagbigay ng 60 na yunit ng computer mula sa STUST at ASUS at nagsagawa rin sila ng pagtuturo noong Agosto 2015.

Sinabi ni Bauang Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III, “Ang inyong mga programa ay isang magandang regalo para sa taong-bayan ng Bauang, hindi lamang para sa mga computer na inyong naibigay ngunit sa kadalubhasaan at kaalaman sa mga computer na ibabahagi niyo sa aming mga kalahok.

“Magkakaroon kayo ng magandang karanasan sa iyong pamamalagi dito sa aming bayan, dahil sa mayamang kultura at tradisyon ng Bauang.

Aniya, ang programa ay magbibigay sa mga mag-aaral ng pangunahing kaalaman sa computer operation na magagamit nila para sa mas mataas na edukasyon, kabuhayan o trabaho.

“Mapapalawak din nito ang kanilang kamalayan sa ibang mga kultura sa pamamagitan ng pagsasama ng kultura ng Taiwan sa programa at mapapabuti din nito ang kalidad ng buhay at personalidad ng mga kalahok,” ani De Guzman.

Ang programa ay pinahusay na sa Computer System Servicing, upang maging accredited sa Computer Literacy.

Ang mga nagtapos ng programa ay bibigyan ng National Certificate (NC II) sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) na kailangan ng mga kalahok sa pag-aaplay para sa lokal at trabaho sa ibayong-dagat.

Ang programa ay dinaluhan ng Sangguniang Bayan Members, Alexander Romeo Obong, Danilo Abuan, Warlito Daus, David Ballesil, department heads ng LGU, mga kinatawan ng ASUS na pinamumunuan ni George Su, manager, at Dr. Su Ying-HSU, associate professor ng Dept. of International Business, at TESDA provincial office head Marissa Alcantara sa Farmer’s Hall, Munisipyo ng Bauang noong July 10, 2017. ABN

RELATED POSTS

FILIPINO ATHLETES

FILIPINO ATHLETES

In this March 2022 file photo, Cong. Eric Go Yap of Benguet shares some light moment with Team Lakay’s Eduard Folayang and coach Mark...

AMIANAN POLICE PATROL

College student,driver, farmer, huli sa P19.8M marijuana sa Kalinga  TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot ang isang college student at...

TUBA WATER SYSTEM

TUBA WATER SYSTEM

After decades of waiting, thousands of residents of Barangay Poblacion and adjoining barangays will soon benefit from a water system...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest