TALAGA BANG LAGI TAYONG HANDA?

May kasabihan: HULI MAN DAW AT MAGALING…NAIHAHABOL DIN! Totoo kaya ito? Nangyayari ba? Kailan, saan, at papaano? Subukan nga nating bulatlatin ang laman ng isyu kung talaga bang lagi tayong handa? Kumpara sa ibang lahi, siguro hindi tayo pahuhuli kung ang usapan ay TRADISYON, PILOSOPIYA, KAUGALIHAN, REAKSIYON, MGA KASABIHAN, at mga PANANAW SA LAHAT NG BAGAY at KAHANDAAN SA SAKUNA. Sa Ilokandia, nariyan ang mga katagang: “Mamatpatika dita”; “Agbaribarika baka adda masibugam a dika makitkita”; “Sige, umunakan ta sumarunuak”.

At marami pang iba. Hindi lang sa Ilokandia kundi maaring sa lahat ng rehiyon ay may ganitong kaganapan, iba nga lang ang estilo. Sa bagong bersyon ng HULI MAN DAW AT MAGALING” ay ginawa ng HULI MAN DAW AT MAGALING…HULI PA RIN!”. Yung “ANG LUMAKAD NG MATULIN…PAG MATINIK AY MALALIM”. Ngayun, ANG LUMAKAD NG MATULIN…MABUBUNGGO!”. Sabi pa: “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan…hindi makakarating sa paroroonan”. Ngayun…”ANG LINGON NANG LINGON, SHOOT KA SA BUTAS”.

Kung tutuusin, may sa tama ang mga kasabihang eto sa tunay na buhay. Mga kasabihang gagabay sana sa pagiging handa natin sa anumang bagay. Mga kasabihang pinapawalang-saysay ng mga pilosopo. Ngayong grabe ang init ng
panahon na baka raw tatagal pa hanggang sa mga susunod na buwan, kita natin na kulang tayo sa kahandaan. Ang heat index, lagpas pa 50°C. Ang tubig, sagad sa kakulangan, Kapos nga sa kahandaan. Parang wala tayong natututunan mula sa ating mga pinagdaanan.

ASA PA MORE. Maraming mga paaralan ang nakansela ng mga klase dahil sa tindi ng init. Napaghandaan ba natin? Maaring matagal na tayong may paghahanda sa tuwing tagulan. May mga evacuation centers na takbuhan ng tao sa tuwing baha. Pero ang sobrang init ng panahon, saan tayo tatakbo? Sa mga malalamig na lugal (gaya ng Baguio o Cordillera)…tumataas na rin ang heat index dahil sa pagbabago ng panahon. Gaano pa kaya sa mga lugal na tag-tuyot? Sabi nila, kulang na raw tayo ng mga punong-kahoy dahil dumami na ang papulasyon. Solusyon? Magtanim.

Sa mga nagaganap na tensiyon sa West Phil Sea dahil sa ginagawa ng China, napaghandaan kaya natin ito? Sa mga naunang administrasyon, tayo ay “binubully” pero ang sagot natin ay “diplomatikong protesta”. Tanong ng marami: hanggang kailan tayo magtitimpi sa kanilang ginagawa? Panahon lang siguro ang makakapagsabi. Kung kahandaan
naman, may mga magaganda naman tayong panukala. Gaya ng sinasabi ng isang mambabatas na dapat ay magkaroon na rin tayo ng “SUBMARINE” o bumili ng iba pang kagamitan para sa pagbabatay sa ating teritoryo.

May suporta naman daw mula sa mga kaalyadong bansa gaya ng Estados Unidos, Australia, Japan at iba pa. Pero mas mainam nga na may paghandaan pa rin sa kahit anumang mangyayari. May plano upang may kalasag. GANUN!
Bakit kaya ganito ang mga situwasyon sa ating bansa. Tuwing may sakuna, saka tayo magaling magbigay ng solusyon. Maraming “ngakngak” na dapat ganito, dapat ganoon. May nagagawa ba? O sadyang hanggang dada lang tayo? Ang kahandaan ay dapat pinagtutulungan ng mamamayan at gobyerno. HINDI YUNG ASA NA LANG TAYO ANG ASA.

TSAKA MANINISI. Sa KATAMARAN NATIN, TAYO RIN ANG BIKTIMA. SA KATALINUHAN NATIN, TAYO RIN ANG NAPAPAHAMAK. Sabi, LAGING NASA HULI ANG PAGSISISI. Panahon na bayan, na tulungan mo rin ang iyong sarili. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon