Kwento ng Pag-ibig:
“Love is lovelier the second time around” iyan ang lintana ng ilang kabataan maririnig sa bawat sulok nitong paaralan. Muli na naman kasing sasapit ang araw na punong-puno ng pagmamahalan —ang Valentine Day. Kabi-kabila ang reaksyon ng bawat isa kapag dumarating ang simoy ng usapang pag-ibig, ngunit sa ganito ding pagkakataon ay may mga kwentong lubos sumisibol at namumulaklak. Isa sa mga kwentong ito ay ang istorya nina Krystal at Dave. Unang nagkakilala ang binata at dalaga, matapos na sila ay mapili bilang representate ng paaralang pinapasukan.
Mula sa sulyap,panaka-nakang tingin, hanggang sa naging titig at pananabik— naging ultimate pag-ibig. Ngunit tulad ng karaniwang istorya, may mga bagay na maaaring sumubok sa dalawang taong nag-iibigan. Dumarating din sa punto ang tinatawag na pagiging immature. Ito ay isang yugto sa tao na hindi pa handa o ang may kakulangan sa paghawak ng isang relasyon. Ayon nga kay Kaytee Gillis, isang eksperto sa sikolohiya, may limang sensyales ang pagiging immature ng isang tao pagdating sa relasyon. Una, lack of empathy.
Sinasabi na mahalaga sa isang relasyon ang magkaroon ng pagdadalamhati sa isa’t isa dahil may pagkakataon na pareho ang lungkot na nararamdaman. Pangalawa, pagbibigay ng limitasyon o boundaries. Kinakailangan na magkasundo ang magkarelasyon sa mga hindi at dapat na gawin,mga tama at hindi angkop. Pangatlo ay kakulangan sa kaalaman sa relasyon, minsan ay akala ng iba ang pagpasok sa pakikipagtipan ay puro lamang kasiyahan ngunit
nakakaligtaan ang problema na nahahantong sa hindi pagkakaunawaan. Pang-apat ay ang pagkontrol sa emosyon,
nalilimutan ng karamihan na kontrolin ang damdamin kaya hindi nagkakaisa ang isipan at nasasaktan ang isa’t isa.
At panghuli, kakulangan sa komunikasyon.Dahil sa lubos na pagiging abala at pagkilala pa sa sarili ay nalilimutan na magkaroon ng oras sa isa’t Isa para mag-usap at nagpalagayan ng loob. Bunsod nito, hindi nakaligtas ang relasyon nina Dave at Krystal at dumaan sa ganitong sitwasyon. Naging abala sila sa ibang bagay at may isang dahilan kung bakit lagi silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at nauwi sa hiwalayan. “Mahilig siya sa relo at noong una ay ayos lamang sa akin ngunit nagiging adiksiyon na niya iyon. Lahat ng sweldo niya o pera niya napupunta
lahat sa relo hanggang sa may nasabi ako na ikinasama ng damdamin niya. Nagpasya kami maghiwalay at hindi na nag-usap ” aniya.
Ngunit tunay nga na sa isang relasyon ay kailangan munang pandayin ng panahon. Dahil hindi lahat ng relasyon ika
nga ay healthy. At pinatunayan yan ng kanilang pagmamahalan ” Dahil nga hindi na kami nag-usap. Gumising ako isang araw na hinahanap ko siya. Hanggang sa chinat ko siya at kasabay din pala noon na chinachat niya ako. Nagkaayos kami at bumalik sa isa’t isa. Ngayon ay masaya na kami at inayos namin ang dapat ayusin. Binago na rin namin ang mga dapat baguhin ” aniya pa. Tunay nga na ang pag-ibig ay walang pinipili. Kahit sino ay maaring umibig ngunit alalahanin na meron din sakit at paghihirap. Kailangan lang na maging matatag at maging maalam sa paghawak sa relasyon.
Kaya ngayon araw ng mga puso ay muling namumulaklak ang mga bulaklak sa tulong ng simoy ng pag-ibig. “Naisip naming kumain sa Manor bago kami bibiyahe papuntang Manila para mag Ongpin food crawl isa sa paborito naming gawin” aniya na gagawin nila ngayon paparating na valentines. Pag-ibig nga ang susi sa bawat sigalot na nararanasan. Dahil kung walang pag-ibig ay walang buhay na hanggang ngayon ay taglay. Minsan din ay mas nagiging matatag ang relasyon kung may muling pagkakataon para sa panahon na iyon ay lalong maging handa. May Tamang Panahon at Tamang Pagkakataon.
Iris Samson-UB Intern
February 15, 2025
March 18, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025